MM, maaaring ibalik sa MECQ
- Published on July 24, 2020
- by @peoplesbalita
MAAARING ibalik ang Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) kapag ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay umabot sa 85,000 gaya ng pinroject ng mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP).
“That’s a distinct possibility, although it’s a possibility that I wish would not happen,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Pumiyok si Sec. Roque, hindi na kakayanin pa ng ekonomiya ang panibagong shutdown, subalit “if we have to and there’s no alternative, we need to do it.”
“So, ang sinasabi nga natin, dapat ingatan ang ating mga katawan para tayo po ay magkaroon ng hanapbuhay,” dagdag na pahayag nito.
“I’m confident that the Filipinos actually will cooperate to an even greater degree than they have shown. Yesterday, I announced that we’re second in the world as far as wearing face masks is concerned, and that shows that the Filipinos will cooperate when they have to,” aniya pa rin.
Ang National Capital Region, ay nasa ilalim ng MECQ mula Mayo 16 hanggang 31, na ngayon naman ay nasa ilalim ng General Community Quarantine.(Daris Jose)
-
Sen. Tito, nag-file ng bill para sa bagong prangkisa ng ABS-CBN
NATUTUWA kami dahil nag-file ng si Senator Tito Sotto para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Pero sana ay inayos muna ni Senator Tito ang kanyang statement regarding the said bill para hindi siya napupulaan ng mga netizens. Sabi kasi ng senator na he is filing a bill for the renewal of the franchise […]
-
PBBM sa Agrarian Reform beneficiaries sa Coron: Land is now yours
MAHIGIT sa 2,000 agrarian reform beneficiaries kabilang na ang mga agriculture graduate at rebel returnee ang nakatanggap ng titulo ng lupa mula kay Pangulong Ferdinand Marcos sa Coron, Palawan. Sa isang maliit na seremonya sa lumang gymnasium ng naturang bayan, namahagi si Pangulong Marcos ng certificate of land ownership awards (CLOAs) at e-titles […]
-
2 kelot na nasita sa paninigarilyo, buking sa P170K shabu
SHOOT sa selda ang dalawang drug suspects matapos mabisto ang dala nilang nasa P170K halaga ng ilegal na droga makaraang masita ng mga pulis dahil sa pagyoyosi sa ipinagbabawal na lugar sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagsasagawa ng foot patrol ang mga […]