• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PH crime rate mula quarantine, bumagsak sa 51%

Bumagsak sa 51% ang crime rate sa Pilipinas buhat nang umiral ang community quarantine measure sa bansa, batay kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

 

Sa datos ng Philippine National Police (PNP), 10,145 krimen lamang ang naitala mula March 17 hanggang July 20 kumpara sa 20,575 krimeng naiulat noong Nov. 17, 2019 hanggang March 16, 2020.

 

“Rule of law (is) strengthened, pinalakas natin ang pananaig sa batas ng ating bansa. Napanatili ng ating kapulisan ang kapayapaan at kaligtasan ng ating mga pamayanan. Bumaba ang bilang ng krimen, napabilis ang pagresolba sa mga ito at napaigting ang kampanya laban sa iligal na droga,” paliwanag ni Lorenzana.

 

Nakatuon ang mga krimen sa murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, car theft, at motorcycle theft.

 

Samantala, nauna na ngang sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na hindi dapat makampante ang PNP sa pagbaba ng krimen. (Gene Adsuara)

Other News
  • Gilas Pilipinas coach Chot Reyes sabik na makasama ang 16-anyos Fil-Am na si Caelum Harris

    NAGPAHAYAG ng kasabikan si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na makitang sumabak kasama ang 16-anyos na Filipino American at 6’7″ Caelum Harris.     Ito ay matapos na ianunsiyo ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na makakasama agad si Harris sa Gilas Pilipinas National Team program.     Inaasahan na sa buwan ng Marso ay […]

  • Paggawad ng red hat kay Cardinal Advincula, muling ipinagpaliban

    Muling ipinagpaliban ang paggawad ng biretta o red hat kay Archdiocese of Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula.     Sa text message na ipinadala ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas, sinabi nitong ang pagtaas ng kaso ng mga nahawaan ng coronavirus sa Capiz ang dahilan sa muling pagpapaliban sa ‘bestowal of red hat sa kanya. […]

  • Manila City government maglalabas ng quarantine pass

    Maglalabas ang Manila City government ng quarantine pass sa lahat ng mga barangay na nasasakupan nito para malimitahan ang paggalaw ng mga tao matapos na ilagay ng national government sa enhanced community quarantine (ECQ).     Ayon sa Manila Public Information office na ang mga punong barangay ay magbibigay ng isang quarantine pass sa bawat […]