Yulo binalikan ang pinagsanayang gymnastics club
- Published on October 18, 2024
- by @peoplesbalita
NASA Japan ngayon si Paris Olympic Games double-gold medalist Carlos Edriel Yulo upang magpasalamat sa mga tumulong sa kaniya upang maabot ang pangarap.
Binisita ni Yulo ang Tokushukai Gymnastics Club kung saan nakasalamuha nito ang mga gymnasts na nagsasanay doon.
Isa ang Tokushukai Gymnastics Club sa mga humasa sa kakayahan ni Yulo.
At umaasa si Yulo na muli itong makakapagsanay sa naturang club sa kaniyang paghahanda para sa malalaking international tournaments sa susunod na taon.
“Thank you very much to everyone at Tokushukai Gymnastics Club. I am truly grateful for your warm support and encouragement,” pahayag ni Yulo sa kaniyang post sa social media.
-
Placement fee sa OFWs, pinatitigil
PINATITIGIL ng mga senador ang pangongolekta ng placement fee mula sa mga Filipino na nagnanais na makapagtrabaho sa ibang bansa. Ayon kay Senate Majority leader Joel Villanueva, dapat pairalin na sa lahat ng OFWs ang patakaran ng Japan na ‘no charging of placement fee’. Paliwanag pa ni Villanueva, sa ilalim ng […]
-
Tennis star Nadal at Osaka nanguna sa Laureus Sportsman and Sportswoman of the Year
Napili sina tennis star Rafael Nadal at Naomi Osaka ng Laureus Sportsman and Sportswoman of the Year. Ito ang pang-apat na award ng world number 2 na si Nadal kung saan kinilala siya dahil sa pagkapanalo niya ng kaniyang ika-13th French Open na mayroon ng 20 major title. Pangalawang beses naman […]
-
Ads June 25, 2021