Team Asia may 2 panalo na lamang para magkampeon sa Reyes Cup Crown
- Published on October 19, 2024
- by @peoplesbalita
DALAWANG panalo na lamang ang kailangan ng Team Asia para makuha ang kampeonato ng Reyes Cup Crown.
Ang Asia Team ay mayroong 9-3 score matapos ang tatlong araw ng billiard games kung saan ang unang koponan na makakuha ng 11 points ay siyang magkakampeon.
Nitong Huwebes ay nagwagi ang Asia team sa score na 5-3 sa doubles match na pinangunahan ni Pinoy cue master Carlo Biado at Aloysius Yapp.
Bago nito ay tinapos ng doubles na sina Jayson Shaw at Francisco Sanchez Ruiz ang anim na larong panalo ng Team Asia ng pataubin sina Ko Pin Yi at Johann Chua ng Pilipinas sa score na 5-3.
Naniniwala naman si Pinoy billiard player Johann Chua na kayang-kaya ng Team Asia ang nasabing mga nalalabing laban.
Ang Reyes Cup ay itinaguyod bilang pagkilala sa Pinoy legendary billiard great na si Efren “Bata” Reyes.
-
Bianca balik-LPGA na
NAKATAKDA nang bumalik sa Estados Unidos si Bianca Pagdanganan sa susunod na lingo para ipagpatuloy ang ikalawa niyang taong kampanya sa 72nd Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2021. Makikipagpaligsahan ang 23-anyos,may taas na 5-4, at tubong Quezon City at pambato ng mga Pinoy sa 34 na may 35 yugto sa pangunahing torneo […]
-
Jabeur makakaharap si Rybakina sa finals ng womens singles ng Wimbledon
PASOK na sa finals ng Wimbledon si Ons Jabeur. Ito ay matapos na talunin si Tatjana Maria sa score na 6-2, 3-6, 6-1. Dahil dito ay nagtala ang Tunisian player ng kasaysayan sa Wimbledon na siiyang unang Arab o North African woman na naglaro sa semifinals ng grand slam. […]
-
Ads October 7, 2022