• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bravo nawalan ng malay sa court

SA HULING walong segundo ng fourth quarter ay nawalan ng malay ang nagbabalik na si Lyceum of the Philippines University forward JM Bravo.

 

 

Nagbanggaan kasi ang mga ulo nina Bravo at Arellano University guard Renzo Abiera sa agawan sa bola kung saan hawak ng Chiefs ang 90-86 bentahe sa Pirates.

 

Ilang minutong nanatiling walang malay ang 6-foot-2 wingman bago tuluyan siyang isakay sa stretcher palabas ng FilOil EcoOil Centre sa San Juan City at dalhin sa Cardinal Santos hospital.

 

 

Napaiyak sa bench ang ilang players ng Pirates pati na si coach Gilbert Malabanan.

 

 

Sa inisyal na medical report ay nagkaroon na ng malay si Bravo at nakakapagsalita, ngunit nahihirapan sa paghinga.

 

Nagpaputok si Lorenz Capulong ng career-high 30 points para igiya ang Arellano sa 91-86 paggupo sa Lyceum sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon.

 

 

Humakot din si Capulong ng 16 rebounds para pigilan ang dalawang dikit na kamalasan ng Chiefs at itaas ang baraha sa 4-8.

 

 

Bigo ang Pirates na matusok ang ikatlong sunod na panalo para sa 6-6 marka.

 

 

“Unang-una ‘yun kasi ‘yung pina-practice namin, ‘yung endgame namin. Kasi doon kami laging sumasablay,” ani Arellano coach Chico Manabat. “Siguro binigay sa amin ‘yung breaks and chance to win the game.”

Other News
  • Handang-handa nang bumalik sa pag-arte: JAMES, posibleng makasama si LIZA sa teleserye o pelikula

    HANDANG-HANDA na raw si James Reid na bumalik sa pag-arte.     Sa katunayan, possible raw sila magsama ni Liza Soberano sa isang teleserye o pelikula.     Ayon kay James, ito raw ang plano after na mag-concentrate sa kanyang music career.     “I always say that I am planning to go back to […]

  • DA, naglaan ng P7-M ayuda para sa mga magsasaka, mangingisda na tinamaan ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal

    NAGLAAN ang Department of Agriculture (DA) ng P7 milyong piso para tulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa Batangas na apektado ng kamakailan lamang na pag-aalboroto ng Bulkang Taal.     Sa Talk to the People, sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, may nakahanda na silang tulong para sa 1,561 magsasaka at mangingisda, […]

  • Speaker Romualdez, binalaan ang mga nagmamanipula sa presyo ng sibuyas at bawang sa merkado

    “YOUR  days are numbered.”     Ito ang babala ni House Speaker Martin Romualdez sa mga nagmamanipula ng presyo ng sibuyas at bawang para tumaas ang bentahan sa merkado na kagagawan ng mga unscrupulous traders and hoarders.     Sinabi ni Speaker na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa mga nasabing indibidwal na nasa likod […]