• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Djokovic naging emosyonal sa paghaharap muli niya kay Nadal

NAGING emosyonal si Novak Djokovic ng talunin ang matagal na niyang karbal na si Rafael Nadal sa Six Kings Slam exhibition game sa Saudi Arabia.

 

 

Sinab ni Djokovic kay Nadal na dapat ay hindi muna niya iwan ang tennis.

 

 

Dagdag pa nito na nais niyang makasama ito habang sila ay retireado at nag-rerelax na lamang sa buhay.

 

 

Magugunitang inanunsiyo ng 38-anyos na si Nadal na ito ay magreretiro sa tennis pag natapos na ang Davis Cup Finals sa susunod na buwan.

 

 

Ang dalawa ay nagharap na ng 60 beses kung saan sa exhibition match sa Saudi ay nahigitan na ni Djokovic si Nadal na mayroon na itong 31 panalo kontra 29.

 

 

Mayroong 24 Grand Slam title si Djokovic habang si Nadal ay mayroong 22 Grand Slam title lamang.

 

 

Nalungkot si Djokovic dahil sa nasaksihan niya ang pagreretiro ni Andy Murray at Roger Federer at ngayon si Nadal na kaniyang itinuturing na matinding karibal.

Other News
  • 3 most wanted persons nabitag ng Valenzuela police

    NALAMBAT ng pulisya ang tatlong most wanted persons sa ikinasang manhunt operations sa magkakahiwalay na lugar sa Valenzuela City.     Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., dakong alas-12:30 ng tanghali ng February 27, nang maaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela CPS at Northern NCR […]

  • PBBM, nakipagpulong sa mga lider ng Filipino-Chinese business community

    NAKIPAGPULONG si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng  Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) upang talakayin ang  economic recovery post-COVID-19 ng bansa.     Sa isang post sa pamamagitan ng kanyang official Facebook page, nakipagpulong si Pangulong Marcos, araw ng Sabado,  sa mga opisyal ng  FFCCCII sa Malacañang […]

  • Fare discount sa seniors, PWDs at estudyante, pinaalala ng LTFRB

    MULING ipinaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan na  ang pagkakaloob ng 20 percent discount sa mga pasaherong elderly, PWDs at estudyante.     Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na may karampatang parusa ang hindi susunod sa batas hinggil dito bukod sa parusang igagawad sa […]