• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magsalamin sa mata, magbitbit ng tubig

BATAY po sa aking karanasan, nais kong i-share naman ngayon sa inyo mga kapwa ko mananakbo, ang pagsasalamin (sun glass) na hindi dark color, light color dapat kung mag-ja-jogging-running tayo sa umaga sa labas ng ating tahanan.

 

Dapat ding magbaon ng tubig kahit sa maliit na container o nabibiling purified bottled water.

 

Iyan po ang dalawang bago nating maipapayo dear runners/joggers. Kahit na rin sa bikers o cyclists.

 

Kahapon natalakay ko po ang pagsusuot na rin ng face mask sa new normal. Pero ang ginagawa ko kung wala po akong makakatabi, katabi, masasalubong, kasalubong, binababa ko muna siya nang kaunti lang dahil mahirap kapusin ng hininga.

 

Balik po ako sa sun glass at bottled water, parehong kailangang-kailangan po ito sa kalsada habang natakbo o nag-ja-jogging ka. Kasi kahit tag-ulan na tayo, mainit pa rin talaga ang klima.

 

Mas agahan din natin ang pagtakbo sa umaga. Maga lang matulog para maaga ring gumising.

 

Masakit na ang araw sa ating mga mata ati madal rin tayong mauhaw dahil sa init kapag tinanghali tayo ng bangon.

 

At sa pag-jog-run bago gawin iyan ilang minutong exercise, stretching at walking. Para makaiwas po tayo sa injury.

 

***

 

Patuloy po nating idalangin na may matuklasan ng gamot o iniksiyon, o kaya’y kusa na lang maglaho ang Covid-19 pandemic. Siyempre  hindi lang sa ating bansa, kundi sa buong mundo, para makabalik na ang lahat sa dati, pati po ang sports events worldwide.

 

Mag-ingat pa rin po tayo araw-araw, panatilihinng malakas ang ating katawan.

 

***

 

Kung may nais po kayong itanong o gusto ninyong magreaksiyon, mag-email lang po sa  jeffersonogriman@gmail.com.

 

Hanggang sa  susunod mga ka-People’s BALITA.

 

God bless us all! (REC)

Other News
  • PBBM, tinukoy ang magiging papel ng mga ex-Moro combatants para mapagtagumpayan ang kapayapaan, seguridad sa Bangsamoro

    TINUKOY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magiging papel ng unang batch ng Moro combatants sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).     Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang graduation Ceremony of the Bangsamoro Police Basic Recruit Course (BPBRC) Batch 2023-01 Classes Alpha – Bravo “Bakas-Upit” sa Parang, […]

  • Angel Canino debut sa La Salle, nagpasiklab

    Agad nagpasikat si De La Salle University rookie Angel Canino sa kanyang unang laro sa UAAP women’s division na tamang tama sa hype na nakapaligid sa kanya.   Kumamada ang batang open spiker ng 18 puntos sa kanyang unang laro para sa Lady Spikers, kung saan kanilang dinaig ang University of Santo Tomas (UST), 25-20, […]

  • ‘Wag mag-iwan ng alcohol sa sasakyan – MMDA

    PINAYUHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na iwasang mag-iwan ng mga bote ng rubbing alcohol sa loob ng kanilang mga sasakyan.     Sinabi ng MMDA na maaaring magdulot ng disgrasya ang alcohol kapag naiwanan sa loob ng sasakyan lalo na kung mabibilad ito sa matinding init ng araw.     […]