• October 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BI naalarma sa biglaang pagtaas ng kaso ng surrogacy

NAALARMA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado sa pagtaas ng kaso ng surrogacy sa ibang bansa.

 

Ito ay bunsod sa pagkakasabat ng isang biktima na tangkang umalis ng bansa na magtrabaho bilang surrrogate mother sa halagang kalahating milyon.

 

Ang 37 anyos na biktima ay nasabat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na tinangkang umalis sakay ng Turkish Airlines biyeheng Batumi, Georgia.

 

Inamin ng biktima na inalok siya ng isang recruiter sa pamagitan ng WhatsApp ng halagang P28,000 kada buwan para sa anyang pagbubuntis at mahigit P500,000.00 pagkatapos makapanganak.

 

Matatandaan na nitong nakalipas ng buwan, 20 kababaihan ang ni-rescue ng mga awtoridad na gagawing mga surrogate mothers sa Cambodia. GENE ADSUARA

Other News
  • Ads March 12, 2024

  • AFP, tiniyak na nakamonitor sa kalagayan ng mga naapektuhan ng typhoon Egay

    TINIYAK naman ng Armed Forces of the Philippines ang kahandaan nito upang tumugon sa pangangailangan ng mga apektado ng typhoon Egay.     Ayon kay AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., nauna nang inalerto ang kanilang mga batalyon na nasa lugar na apektado ng lakas ng nasabing typhoon.     Pangunahin dito ay […]

  • SolGen, hinihintay ang “go signal” ni PBBM para isumite ang draft EO ukol sa independent body na magiimbestiga sa drug war

    NAGHIHINTAY lamang ng “proper signal” ang tanggapan ni  Solicitor General Menardo Guevarra mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bago isumite ang panukalang paglikha ng  independent body na mag-iimbestiga sa pagpatay na inuugnay sa  drug campaign ng Duterte administration.  Sinabi ni Guevarra sa isang panayam na ang Office of the Solicitor General (OSG) ay lumikha ng isang […]