Ex-KOJC member idinetalye dinanas na sexual abuse kay Quiboloy
- Published on October 25, 2024
- by @peoplesbalita
PERSONAL na nagharap kahapon sa pagdinig ng Senado sina Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy at ilan sa mga nag-aakusa sa kanya ng iba’t ibang krimen kabilang ang sexual abuse.
Unang pinakinggan ng komite na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros ang magkakahiwalay na testimonya ng tatlong babae na nagsabing seksuwal silang inabuso ni Quiboloy kabilang ang isang Ukrainian national na nagngangalang Yulya Voronina.
Ayon kay Voronina, 10 silang Ukrainian na naging miyembro ng KOJC at tumira sa compound ni Quiboloy sa Davao. Nagbigay ng testimonya si Voronina sa pamamagitan ng video conferencing.
Itinuro ni Voronina si Jackielyn Roy na kanyang “groomer” o naghanda sa kanya para makabilang sa mga babaeng nagkaroon ng sekswal na relasyon kay Quiboloy.
Ayon naman kay Teresita Valdehueza, naging miyembro siya ng simbahan ni Quiboloy noong 17 taong gulang pa lamang siya noong 1980.
“In 1988, I made the difficult decision to dedicate my life to his ministry, driven by the belief that true fulfillment and salvation lay in serving God fully,” ani Valdehueza.
Isa siya sa “pioneering group” at ang tingin niya noon kay Quiboloy ay totoong anak ng Diyos.
Nangyari ang sexual abuse noong 1993 nang papuntahin siya sa Cebu City kung saan nangaral ang pastor. Habang nasa Park Place Hotel sa Fuente Osmeña, sinabihan umano siya ni Quiboloy na tabi na silang matulog dahil compatible sila at pareho ang kulay ng suot nilang damit.
“Sleeping beside a man I believed to be chosen by God was for me then a great privilege and an opportunity for a sinner like me…but what followed shattered my sense of faith and trust. Without a word, after turning off the light, he embraced me, undressed me, and violated me with his lustful act that left me in shock and speechless,” salaysay ni Valdehueza.
Noong Pebrero 15, 1998 ay muli umanong “ginamit” ni Quiboloy si Valdehueza na dahil umano sa takot ay sumusunod siya.
Sinabi rin ni Valdehueza na naranasan niya ang maparusahan sa pamamagitan ng fasting o hindi pagkain ng matagal na panahon.
Noong Setyembre 13, 1999 umalis sa KOJC si Valdehueza at hindi ito nagpaalam kay Quiboloy.
(Daris Jose)
-
MARCOS, DUTERTE GIVE WARM GREETINGS TO ROMUALDEZ ON DAY OF OATH-TAKING
TACLOBAN CITY – THE top two incoming leaders of the country, President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and incoming Vice President Sara Duterte, gave warm congratulatory remarks to House Majority Leader and Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez Wednesday morning during the occasion of the latter’s oath-taking as the reelected Leyte 1st District congressman. […]
-
PBBM, personal na iniabot ang mahigit sa P30-M financial aid sa mga magsasaka
NAMAHAGI si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng P30 million na financial assistance sa libo-libong pamilya ng mga magsasaka at mangingisda na labis na naapektuhan ng El Niño phenomenon sa mga lalawigan ng Davao de Oro, Davao del Norte at Davao Oriental. Sa katunayan, personal na iniabot ni Pangulong Marcos ang P10 million, […]
-
Matagumpay ang unang hudyat ng MMFF 2022: VICE, COCO, TONI, NADINE, JAKE at IAN, nanguna sa ‘Parade of Stars’
TUNAY ngang balik-saya ang matagumpay na ‘Parada ng mga Bituin, o ‘Parade of Stars’ na angkop sa tema ngayong taon, “Balik Saya ang MMFF 2022.” Ang Parade of Stars ay naging hudyat ng opisyal na pagsisimula ng pagdiriwang, na kung saan ang host city ay ang lokal na pamahalaan ng Quezon City. […]