VP Sara, niresbakan si Boying Remulla: Wala siyang alam sa batas
- Published on October 25, 2024
- by @peoplesbalita
SINABI ni Vice-President Sara Duterte na walang alam sa batas si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nang sabihin ng huli na “very disturbing” ang kanyang pahayag hinggil sa mga labi ni dating Pang. Ferdinand Marcos Jr..
Nauna rito, sa isang pulong balitaan ay inamin ni VP Sara na binalaan niya si Sen. Imee Marcos na personal niyang huhukayin ang mga labi ng ama nitong si dating Pang. Marcos at itatapon sa West Philippine Sea (WPS) kung ipagpapatuloy nila ang political attacks laban sa kanya.
Ayon naman kay Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla, ang mga naging pahayag ng bise presidente ay isang paglapastangan sa alaala ng dating pangulo, na matagal nang namayapa.
“Ipagdasal natin ang Pilipinas dahil we have a Secretary of Justice na hindi alam ang batas. There is a big difference between talking about desecration of a body and actually desecrating a body.
Talking about desecration of a body is not desecration of the dead,” ang sinabi ni VP Sara.
“Dapat sana siguro as a lawyer, maintindihan niya ‘yun kaagad but apparently, sabi nga ng iba, kapag mabilis ka, meron talagang mabagal ang pick up,” aniya pa rin.
“It desecrates the memory of a person, it desecrates the peaceful state that he must be in, having already perished, to disturb the body and there are many other moral principles that are being violated, and we are looking at the legal aspects also,” pahayag naman ni Remulla sabay sabing “We’re conducting a study.”
Inulit nito na ang naturang pahayag, mula sa isang ikalawang pangulo, na ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa, ay nakakabahala.
“Very disturbing for a person of her rank, second highest official of the land, the remarks are unbecoming, I think and it does not augur well for the dignity of the office,” giit ng kalihim. “That’s very disturbing if a person can think that way and she holds a very high position. I think it’s very disturbing. Lahat naman tayo, hindi natin gusto iyong narinig natin.”
“Marami kasing approaches diyan. Pero it desecrates the memory of a person, it desecrates the peaceful state that he must be in, having already perished,” ang sinabi ni Remulla.
“There are many other moral principles that are being violated and we are looking at the legal aspects. We are conducting a study,” aniya pa rin.
Matatandaang ang ama ni VP Sara na si dating Pang. Rodrigo Duterte ang nagpahintulot na mailibing ang mga labi ng dating Pang. Marcos sa Libingan ng Mga Bayani noong 2016. (Daris Jose)
-
Ruffa at KC, nag-abot sa pagdadala ng relief goods sa mga nasalanta
PATULOY ang pagtulong ng ating mga artista at celebrities sa pagdu-donate ng relief goods sa mga lugar sa bansa na nasalanta ng tatlong bagyong dumaan. Hardly hit ang mga Cagayanons sa Northern Luzon particularly ang Isabela, Cagayan at Tuguegarao. Nag-post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram ng kanilang relief operations, kasama ang mga […]
-
2 bagong kaso ng COVID-19 kinumpirma ng DOH
MAYROONG panibagong dalawang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas kung saan sa kabuuan ay meron nang lima ang naitatala sa bansa. Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) kahapon, Marso 6. Sa ginanap na press briefing, iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III na kabilang sa ikaapat na bagong kaso ay isang […]
-
Ang desisyon ng Korte Suprema: PAGCOR at PCSO, ibigay ang dapat sa PSC
HABANG marami ang mga negosyante at pulitiko ang nagbigay ng pabuya sa mga Olympians natin, higit na mahalaga ang naging hatol ng Korte Suprema sa kasong Joseller M. GUIAO VS PAGCOR, PSO et al (G.R. no. 223845, may 28 2024). Si Guiao ay mas kilala na coach Guiao sa mga sports fans. Ito na […]