PBBM, sa mga direktang tinamaan ng bagyong Kristine: “dumating na ang tulong sa maraming lugar, paparating na ang tulong sa iba pa”
- Published on October 26, 2024
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga pamilya at indibiduwal na naninirahan sa mga lugar na direktang tinamaan ng bagyong Kristine na dumating na ang tulong sa maraming lugar at paparating naman na ang tulong sa iba pa.
Sa katunayan, inatasan ng Chief Executive ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na bilisan ang paghahanda sa mga lugar na inaasahan na magiging apektado habang ang Severe Tropical Storm Kristine ay patungong Northern Luzon.
Nanawagan din ang Pangulo na paigtingin ang pagsisikap ng relief operations sa Bicol Region, nangako sa mga pamilya na sinalanta ng bagyo na ang tulong ng pamahalaan ay “is on the way.”
“We are now intensifying, as well, preparations as this generational typhoon makes its way to Southern Tagalog, and barrels towards Northern Luzon. Our priority there is to mitigate the damage it may cause, evacuate those living in hazardous areas, and preposition necessary goods and personnel to ensure the continuous availability of essential supplies once the Typhoon arrives,” dagdag na wika ng Punong Ehekutibo.
Nagpasaklolo na rin si Pangulong Marcos sa pribadong sektor na tumulong sa mga binahang komunidad.
“We direct all agencies and offices of the government, as well as our partners in the private and non-government sector, to pitch in, strengthen and reinforce the bulwark which we have built against this raging tempest,” ayon sa Pangulo.
Tiniyak ni Pangulong Marcos na ang mga ahensiya ng pamahalaan ay “tirelessly and urgently working towards the immediate deployment of relief, recovery, and rehabilitation” sa mga lugar sa Bicol Region na nagdusa sa bagsik ni Kristine.
“Lahat ng mapagkukunan ng inyong pambansang pamahalaan ay inalaaan upang ipaabot bilang kinakailangan na tulong, tungo sa mabilisang pagbalik ng normal na kondisyon at pamumuhay sa mga apektadong lugar,” ayon sa Pangulo.
“Sa ating nagkakaisa at mabilisang galaw at pagkilos, malalampasan natin ang unos na ito, muling itatayo ang mga nasira nito, at babangon tayo muli bilang isang mas matatag at mas matibay na bayan,” dagdag na wika nito.
-
Naging emosyonal sa pagtanggap ng ‘Aliw Awards’: PIOLO, umaasang susuportahan ng mga Pinoy ang ten entries sa ‘MMFF 2023’
NAGING emosyonal nga ang bida ng ‘Mallari’ na si Piolo Pascual sa natanggap niyang parangal sa katatapos lang na 36th Aliw Awards. Ang premyadong actor kasi ang tinanghal na “Best Lead Actor in Musical” para sa kanyang mahusay na pagganap sa musical play na “Ibarra.” Sa interview ng ABS-CBN entertainment reporter na si […]
-
Plano ni Sec. Roque sa politika, nakasalalay sa population protection
KAILANGAN na makamit muna ng bansa ang population protection bago pa magdesisyon si Presidential Spokesperson Harry Roque kung ano talaga ang kanyang plano sa pulitika. Nakasama kasi ang pangalan ni Sec. Roque sa senatorial lineup ng ruling party para sa 2022 national elections na isinasapinal na ngayon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. “So, […]
-
8 lungsod sa National Capital Region makakaranas ng water service interruption
NAGPAALALA ang Maynilad Water Services, Inc. sa walong lungsod sa National Capital Region (NCR) na maaaring makaranas ng water service interruption mula Oktubre 12 -16. Sinabi ng Maynilad na ang service interruption ay magaganap araw-araw sa mga nasabing petsa mula 9 a.m. hanggang 11 p.m. sa ilang barangay sa Caloocan, Malabon, Las Pinas, […]