46, napaulat na nasawi dahil sa bagyong Kristine —OCD
- Published on October 26, 2024
- by @peoplesbalita
UMABOT na sa 46 katao ang naiulat na nasawi dahil sa epekto ng Severe Tropical Storm Kristine (international name: Trami), ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Patuloy naman ang rescue workers na nakikipaglaban sa mataas na tubig-baha para mapuntahan ang mga residenteng na-trap sa mga bubungan ng kani-kanilang mga bahay habang patungo na sa karagatan ang direksyon na binabagtas ng bagyong Kristine.
“Many are still trapped on the roofs of their homes and asking for help,” ang sinabi ni Andre Dizon, police director for the hard-hit Bicol region, sa AFP.
“We are hoping that the floods will subside today, since the rain has stopped.” aniya pa rin.
Sinabi pa rin ni Dizon na ang kakapusan sa rubber boats ay “the greatest challenge” subalit mas marami naman ang paparating na.
Base sa data mula kay OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, karamihan sa mga naiulat na nasawi ay mula sa Bicol Region na may 28, sumunod ang Calabarzon na may 15.
Sinasabing tig-isa ang nasawi na naiulat mula sa Ilocos Region, Central Luzon, at Zamboanga Peninsula.
Sinabi pa ng OCD na may 20 katao ang naiulat na nawawala at pito naman ang naiulat na nasugatan dahil sa nabanggit na bagyo.
Samantala, sa naging talumpati naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagpahayag ito ng pakikiramay sa mga biktima ng bagyong Kristine.
“I would like to express my sympathy for our fellow Filipinos who have become victims by Tropical Storm Kristine. We are grateful for the resilience, leadership and proactive measures undertaken by our local government units which has saved many, many lives,”ang sinabi ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)
-
Kelot dinampot sa baril at pagbabanta sa kapitbahay sa Malabon
SHOOT sa selda ang isang lalaki matapos tutukan ng baril at pagbantaan ang isa sa grupo ng magkakamag-anak na nag-iinuman at nagkakantahan sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Sa ulat, masayang nag-iinuman at nagkakantahan ang magkakamag-anak na pawang residente ng 94 F. Flovi 6, Brgy. Tonsuya nang puntahan sila ng matandang lalaking […]
-
Canada inaprubahan ang paggamit ng Novavax COVID-19 para sa mga taong may edad 18 pataas
INAPRUBAHAN ng Canada ang Novavax Inc. COVID-19 vaccine para sa mga taong may edad 18 pataas. Ito na ang pang-limang bakuna na gagamitin sa nasbing bansa. Ayon sa Health Canada na wala pa silang datus kung epektibo ba ang nasabing bakuna sa mga may edad 18 pababa. Gumagamit kasi […]
-
Pangulong Duterte, pinangunahan ang presentasyon ng P1-K piso polymer banknote
PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang presentasyon ng P1,000-piso polymer banknote, na nagtatampok sa Philippine eagle. Sa isinagawang ceremonial program, personal at malapitang nakita ng Pangulo ang framed version ng 50 pirasong “uncut P1,000-piso plastic money”. Ipinrisinta kasi nina Department of Finance (DOF) Carlos Dominguez III at Bangko Sentral ng […]