158 lugar nasa ilalim ng State of Calamity dahil sa bagyong Kristine
- Published on October 29, 2024
- by @peoplesbalita
MAY KABUUANG bilang na 158 lugar ang idineklarang state of calamity matapos ang pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine.
Base sa pinakabagong situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang Bicol Region ang mayroong ‘most cities at municipalities’ ang inilagay sa state of calamity. Nakapagtala ito ng 78.
Kabilang dito, ang buong lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, and Catanduanes, at maging ang Bulan, Sorsogon.
Sumunod naman ang Calabarzon na may 63 lungsod at munisipalidad na nasa ilalim ng state of calamity:
Cavite (province-wide)
Batangas (province-wide)
Quezon
Tagkawayan
Mulanay
General Luna
Laguna
Santa Cruz
San Pedro City
Victoria
May 13 lugar naman ang inilagay sa ilalim ng state of calamity sa Eastern Visayas:
Samar
Calbayog
Eastern Samar
Jipapad
Arteche
San Policarpo
Oras
Maslog
Dolores
Can-avid
Taft
Sulat
San Julian
Borongan
Maydolong
Tig-isa naman ang inilagay sa state of calamity sa Ilocos Region, Soccsksargen, Cordillera Administrative Region, at National Capital Region:
Dagupan City
Magpet, Cotabato
Alfonso Lista (Potia), Ifugao
Quezon City
Samantala, sinabi ng NDRRMC na ang pinsala ni Kristine sa agrikultura ay pumalo sa P1.4 billion, habang ang pinsala sa imprastraktura ay P825 million.
Mayroon ding namang 25,591 na bahay ang partially damaged habang 2,049 naman ang totally damaged.
Tinatayang 40 na tulay at 218 lansangan ang nananatiling napinsala dahil sa bagyo.
Sinasabing, naapektuhan din ng bagyong Kristine 5,784,298 katao o 1,415,438 pamilya sa 8,895 barangay sa buong bansa.
Sa naturang bilang, 382,154 ang nananatiling nasa evacuation centers, habang 178,742 ang nasa temporary shelter .
Iniulat pa rin ng NDRRMC na may 79 katao ang nasawi, siyam ang kumpirmado at 70 naman ang bina-validate pa. (Daris Jose)
-
PBBM dumalo sa groundbreaking ng bagong Disiplina Village Arkong Bato
PERSONAL na dumalo si President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasama si Valenzuela City Mayor WES Gatchalian sa ginanap na groundbreaking and capsule-laying ceremony para sa Phase 1 ng bagong Disiplina Village Arkong Bato sa M.H. Del Pilar Street, Barangay Arkong Bato na may motto “Bagong Bahay, Bagong Buhay”. Sa suporta ng National Housing […]
-
May pantapat na ang TV5 kina Luis at Dingdong: JOHN, first-timer pero swak na swak na host ng ‘SPINGO’
ANG larong Bingo na paborito ng mga Pilipino ay may bagong bihis na nagdadala ng susunod na antas ng paglalaro sa Philippine TV. Sa pamamagitan ng international format, kasama ang first-time game show host na si John Arcilla, ipakikilala ng TV5 ang SPINGO, isang game show na maghahandog ng interactive na karanasan para […]
-
PBBM, ipinag-utos sa DPWH na lutasin ang problema sa pagbaha sa NLEX sa Gitnang Luzon
KASUNOD nang pagbisita sa mga lugar na binaha sa Bulacan at Pampanga, inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na kaagad na gumawa ng aksyon kaugnay sa mga alalahanin ng mga residente partikular na sa pagbaha sa mga kalsada tungo sa mga lalawigan. Sinabi ni […]