• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Deadline para sa COVID-19 Emergency Loan application ng GSIS, pinalawig ng hanggang August 12

Pinalawig ng isa pang buwan ng Government Service Insurance System (GSIS) ang panahon para sa filing ng applications sa COVID-19 Emergency Loan.

 

Sa isang statement, sinabi ni GSIS president at general manager Rolando Ledesma Macasaet na hanggang sa Agosot 12, 2020 pa maaring mag-file ng loan applications ang kanilang mga miyembro.

 

Ito ay dahil nais aniya nilang mabigyan ng sapat na panahon ang kanilang miyembro, pati na ang mga nakatatanda at disability pensioners, na apektado ng public health crisis para makapag-loan.

 

Sa kanilang tantya, maaring aabot sa mahigit 1.3 million members ang qualified para sa loan program na ito, na may projected total amount na P43 billion.

 

Nauna nang itinaas ng GSIS ang halaga na maaring utangin ng kanilang mga miyembro mula sa dating P20,000 na sa ngayon ay aabot na ng hanggang P40,000 para sa mga may existing loans.

 

Pinadali na rin nila ang terms para sa renewal ng loans kahit pa may loan accounta na hindi nababayaran ng mahigit anim na buwan.

Other News
  • Substitute bill para sa pagkakaroon ng Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team (HEART), aprub

    INAPRUBAHAN ng House Committee on Health ang consolidated substitute bill sa ilang panukalang batas na nagsusulong para ma-institutionalize ang medical reserve corps.     Bubuuin ng panukalang batas ang Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team o HEART sa ilalim ng Department of Health (DOH) kung saan magiging bahagi ng tungkulin nito ang pagbuo ng mga polisiya, […]

  • LTFRB: Guidelines sa window hour scheme ng buses nilinaw

    Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang guidelines sa “window hour scheme” ng mga provincial buses sa gitna ng pagkalito sa pagpapatupad ng nasabing panuntunan.     Ayon sa LTFRB, maaari pa rin na magsakay ang mga provincial buses ng mga pasahero mula at papunta sa mga probinisya kahit lagpas na sa window […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 22) Story by Geraldine Monzon

    NABUHAYAN ng loob si Bernard nang muling makatanggap ng pag-asa tungkol kay Bela mula kay Marcelo. Pero nagdesisyon siyang huwag na lang muna itong ipaalam kay Angela.   Si Angela naman ay nawiwili na sa pakikipaglapit kay Janine. Ikinuwento niya sa dalaga ang buong love story nila ni Bernard habang sabay silang nagkakape sa hardin. […]