15-anyos na estudyante, patay sa suntok ng SK Kagawad
- Published on October 29, 2024
- by @peoplesbalita
PATAY ang isang 15 anyos na estudyante nang suntukin ng Sangguniang Kabataan Kagawad nitong Linggo ng gabi sa Punta, Sta.Ana, Maynila.
Idineklarang dead on arrival sa Sta.Ana Hospital ang biktimang si Krisnard Alexus Garcia y Dela Cruz mula Brgy.Hulo,Mandaluyong City.
Hawak naman ng pulisya ang suspek na sina Irinro Cardamio III alyas Jimeel, 23, binata ,SK Kagawad ng Brgy.894, Punta Sta.Ana,Maynila at kasabwat nitong si Mark Jorell Trinidad y Dela Cruz, 18, nakatira sa nasani ding lugar.
Sa imbestigasyon, dumulog ang biktima sa Barangay hall kaugnay sa panununtok ng SK Kagawad sa kanyang kaibigan.
Habang nasa harap ng Barangay hall ang biktima, pinagtulungang bugbugin ng mga suspek ang biktima hanggang bumagsak sa semento.
Inawat naman ng mga opisyal ng Barangay ang mga suspek ngunit nagpatuloy ang mga suspek sa pananapak sa biktima hanggang mawalan ito ng malay.
Agad siyang dinala sa naturang ospital ngunit hindi na rin umabot ng buhay . GENE ADSUARA
-
Bubble slugfest sa Mandaue sa Okt. 7
IHAHATAG Cebu-based Omega Sports Promotions sa unang pagkakataon sa bansa ang groundbreaking bubble boxing card sa Miyerkoles, Oktubre 7 sa International Pharmaceuticals Inc. compound sa Mandaue City, Cebu. “We are honored and privileged to be holding this historic boxing card in Cebu. It is a challenge but we are looking forward to it,” namutawi […]
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 19) Story by Geraldine Monzon
NAKAISIP na sana ng paraan si Cecilia upang hindi makaalis sina Bernard at Angela patungong ibang bansa, subalit pinlano pa lang niya ay hinadlangan na siya ng tadhana na magamit si Bela nang dumating si SPO2 Marcelo dala ang hindi magandang balita tungkol sa anak ng mag-asawa. Kaya ganoon na lang ang pagkadismaya ng dalaga. […]
-
LTO naka-heightened alert sa Undas
NAKA-HEIGHTENED alert ang Land Transportation Office (LTO) para matiyak na ligtas ang paglalakbay ng mga motorista sa panahon ng Undas. Sa ilalim ng “Oplan Biyaheng Ayos Undas 2022” masusing babantayan ng mga elemento ng LTO ang mga aktibidad sa main thoroughfares at transport terminals sa mga lalawigan, bayan at lungsod mula October 27 […]