‘Lies of the highest levels’ ang pahayag ni Grijaldo ayon kay Rep. Dan Fernandez
- Published on October 30, 2024
- by @peoplesbalita
MARIING itinanggi ni Rep. Dan Fernandez, chairman ng House Committee on Public Order and Safety ang naging pahayag ni Police Col. Hector Grijaldo sa senado na pinilit siya nina Quad Committee co-chairs Reps. Fernandez at Bienvenido “Benny” Abante Jr. na pumirma sa isang affidavit.
Ayon kay Grijaldo, noong October 22 pinapirma umano siya sa isang affidavit na sumusuporta sa pahayag ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma ukol sa umano’y insentibo na binibigay sa anti-drug operations.
Inihayag pa ng opisyal sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, na dinaluhan ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte, na pakiramdam niya ay “corrupted to make that statement” sa ilalim ng pressure mula sa mga mambabatas.
Sinabi ni Fernandez na ang pahayag ni Grijaldo ay “lies of the highest level” at isang pagtatangka na papanghinain ang ginagawang imbestigasyon ng quadcom sa alegasyon ng extrajudicial killings sa anti-drug campaign ng dating administasyon.
Iginiit nito na hindi pinilit ng komite si Grijaldo na suportahan ang anumang pahayag at ang ginagawang imbetigasyon ay bahagi ng mas malawak na pagtatangka na makakuha ng hustisya sa libong buhay na nawala sa ilalim ng kampanya laban sa iligal na droga.
“Lies ‘yan. Pinatawag siya [Grijaldo] because the lawyer of Col. Garma told us na may alam siya sa reward system. We never asked him to sign any affidavit. This is their way to discredit the Quad Committee, but the truth will bail us out. Nothing will prevent us from pursuing justice for all the lives lost,” ani Fernandez.
Paliwanag ni Fernandez na mismong si Garma ang nagsuwestiyon kay Grijaldo sa paniniwalang may alam ito sa umano’y reward system.
Itinanggi rin ni Abante ang alegasyon ng pamimilit kasabay nang pagtuligsa sa pagiging biased ng pagdinig ng senado.
“There is no truth to the accusations that I forced anyone to sign any affidavit in exchange for favors or the possibility of promotions,” pahayag ni Abante, chairman ng House Committee on Human Rights. (Vina de Guzman)
-
Piniling reward na magtayo ng business: YSABEL, ‘di natuloy sa law school dahil sa ‘Voltes V: Legacy’
FOUR years ang preparasyon at apat na buwan na umere ang ‘Voltes V: Legacy’ na consistent top-rating show ng GMA. At dahil hindi biro ang kanilang pinagdaanan para mapaganda ang show, may reward o gantimpala ang Voltes team sa kani-kanilang sarili. Ang nag-iisang babae na miyembro ng grupo na nagpipiloto sa […]
-
Dalawang araw bago ang reunion concert: SHARON, binahagi ang nakakikilig na video at photos nila ni GABBY
DALAWANG araw ang reunion concert, nagpasilip ng short video si Megastar Sharon Cuneta sa rehearsal nila ni Gabby Concepcion na kung saan magdu-duet sila ng “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko”. Caption ni Mega, “Today. Nagkakailangan pa rin ang dalawa pasensya na po! Kasama ang #dearhearttheconcert💜at naka-tag ang na @kristinaconcepcion Kaya naman kilig na […]
-
Ads October 11, 2021