Betrayal of public trust, graft batayan sa impeachment vs VP Sara
- Published on October 30, 2024
- by @peoplesbalita
ITO ang dalawang nakikitang batayan ng House Committee on Good Government and Public Accountability na maaring magamit sa paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng hindi nito maipaliwanag na paggastos ng confidential funds sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).
Sinabi ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, Chairman ng Blue Ribbon panel na, ang mga natuklasan gaya ng paggastos ng P125 milyong confidential funds ng OVP na naubos sa loob lamang ng 11 araw noong Disyembre 2022 ay sapat na upang magdulot ng mga pagdududa kung tama ang ginawang paggastos sa pondo ng bayan.
Noong Agosto, naglabas ang COA ng Notice of Disallowance sa kuwestyunableng paggamit ng P73.28 milyon na bahagi ng P125 milyong confidential fund ng OVP noong 2022.
Ang tanggapan ni Duterte ay nakatanggap din ng P500 milyon confidential fund noong 2023 at sa halagang ito ay P375 milyon ang nagastos. Hindi na ginamit ng OVP ang nalalabing P125 milyon.
Ang P15 milyon sa confidential funds ng DepEd na ginamit umano sa pagbabayad ng reward sa mga impormante at P16 milyon na ginastos ng OVP sa renta ng mga safehouse sa loob ng 11 araw noong 2022.
Gayundin ang paggasta ng P15-M sa Youth Leadership Summit kung saan lumilitaw na sumakay lamang ito sa programa ng Philippine Army at walang inilabas na pondo kahit singko. ( Daris Jose)
-
Na-hack ba ito o sadyang dinilete: LIZA, wala pang statement sa kung ano talaga ang nangyari sa IG account
NAGBIGAY ng patikim ang limang actors ng stage play na “DickTalk” nang mag-perform ito sa Dengcar Theater ng Mowelfund with some media and show buyers, pero opening pa lang, pasabog na agad ang lima. Although, dahil sobrang lapit ng stage sa audience, si Gold Aceron pa lang ang totoong nagpatikim ng pasabog. […]
-
Harry Roque pugante na!
ITINUTURING na ngayong ‘pugante’ sa batas si dating Presidential spokesman Harry Roque na hinihinalang may kaugnayan sa illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Porac, Pampanga. Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, ito ay bunga ng kabiguan ni Roque na dumalo at isumite ang mga dokumento na makatutulong […]
-
Ads May 1, 2021