Hinaharang daw para paboran si Vilma: Fans ni NORA, ‘di matanggap na nakapasok ang ‘Uninvited’ sa 50th MMFF
- Published on October 28, 2024
- by @peoplesbalita
TUWANG-TUWA ang mga Vilmanians dahil napasama sa sampung MMFF entries para sa taong ito ang pelikulang “Uninvited “
Ang nasabing movie ay pinagbibidahan ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto kasama sina Aga Muhlach at Nadine Lustre.
Siyempre bukod sa grupo ng VSSI na pinamumunuan nina Jojo Lim ay isa sa very much happy ang kaibigang super Vilmanian at UST professor na si Sir Augusto Antonio Aguila na kilala namin na si Sir Tots.
Si Tots ay isa ring part time stage actor at nagtuturo ng English literature sa UST.
Dahil sa karanasan sa pagtuturo at kahusayan, siya ay binigyan ng doctorate degree sa literature.
Hindi ikinahiya ni Sir Tota na isa siyang self-confessed Vilmanian.
“Hindi nakakahiya iyon, ang rector magnificus nga ng UST, si Rev. Fr. Richard Ang OP ay isa ring Vilmanian,” katwiran pa rin ni Tots.
Na-meet namin ng personal sina Tots at Fr. Richard sa Phil. Embassy kung saan naging guest speaker si Ate Vi.
Ang ipinagtataka lang nina Sir Tots at kung bakit kay Ate Vi ibinunton ng mga fans ni Nora Aunor ang hindi pagkapasok ng movie ng idolo nila.
Hindi rin matanggap ng mga Noranians na napasama ang “Uninvited” sa film fest..
Kung kaya kung anu-ano na lang ang mga patutsada nila.
Sa totoo lang mga edukado ang mga Vilmanians at may respeto at alam nila na anumang gawin Nila ay magre-reflect yun Kay Ate Vi.
“Bakit ba galit na galit ang mga fans ni Nora Kay Ate Vi. Kasalanan ba niya? Sana umisip sila ng paraan para maiangat ulit si Nora, Hindi yung sinisiraan nila si Vilma?
“Inggit lang ang mga yan kasi hindi Nila matatanggap na very much in pa rin si Vilma at si Nora out na.”
Sana maiisip ng mga tagahanga ni Nora na hindi na bumabata ang idolo Nila. 70 years old na si Ate Guy at sa totoo lang, sa mga batang henerasyon ngayon ay hindi na siya kilala.
Ipinipilit pa ng mga Noranians na hinarang daw ng mga malalapit kay Vilma ang mga pelikula ni Nora na ‘Mananambal’ at ‘Pieta’ sa MMFF.
Kumbaga, nabigyan daw ng higit na pabor si Vilma, dahil mga kumare at kumpare diumano ni ng Star for all seasons ang nasa screening committee.
Ganun!
Ipinaliwanag naman ng mga taga MMFF
na sa pamimili ng mga kalahok sa MMFF na isa sa batayan ay ang commercial viability.
Kumbaga, kahit maganda pa ang pag kagawa ng movie kung kulang naman sa box office appeal ang pelikula ay reject din.
Kaya huwag kay Ate Vi isisisi.
Gawin nyo munang box office hit ang movie ng idolo nyo!
***
ISA si Super Mahra Tamondong na nangangarap na maging mayora ng Maynila.
Kumbaga, kung ang kasalukuyang alkalde na si Mayora Honey Lacuna ang first woman mayor si Marah na ang Second Lady mayor ng capital ng Pilipinas.
Sey pa ni Marah sa ipinatawag niyang presscon ay marami siyang magagawa na higit pa sa mga kalaban niya ngayon sa mayoral post.
Si Marah ang candidate ng KBL ni Pangulong Marcos kung kaya nasa kanya raw ang suporta ng Malakanyang.
Hindi lang daw sa senior citizen kundi may mga program din si Marah sa mga kabataan at kasama ba rito yung mga bagong silang na sanggol.
Well, base sa latest survey ay nangunguna pa rin si Isko ‘Yorme’
Moreno, huh!
(JIMI C. ESCALA)
-
UFC champion Conor McGregor tanggal na unang puwesto ng Forbes highest-paid athletes
NATANGGAL na sa unang puwesto bilang highest paid athlete ng Forbes si UFC-two division world champion Conor McGregor. Base sa pinakahuling listahan ng Forbes nasa pang-35 na puwesto na ito ngayon na mayroong kita na $43 milyon. Noong nakaraang taon kasi ay nangunguna siya na mayroong $180 milyon na kinita ng […]
-
VP Sara dumalo sa pagdinig ng House Blue Ribbon Committee
DUMALO sa pagdinig ng House Blue Ribbon Committee ngayong araw si Vice President Sara Duterte kung saan nagpapatuloy ang pag imbestiga sa P612 million confidential funds. Nanumpa naman si VP Sara bago siya payagan magsalita sa pagdinig. Naging mainit ang palitan ng mga pahayag lalo at tinatanong din ni VP Sara ang […]
-
PBBM, gusto ang mas mataas na service recognition incentive sa public school teachers
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Budget and Management (DBM) at Department of Education (DepEd) na pagtulungan na mabigyan ng mas mataas na Service Recognition Incentive (SRI) ang mga public school teacher. Layon ng pamahalaan ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na itaas ang SRI para sa 1,011,800 DepEd […]