• November 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM sa PCSO na may 90 taon na serbisyo: Patuloy na tulungan ang mga nangangailangan

NANAWAGAN si Pangulong President Ferdinand R. Marcos Jr. sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na patuloy na tupdin ang kanilang mandato na tulungan ang mga ‘vulnerable Filipino’ habang pinuri naman ang nasabing ahensiya ng pamahalaan para sa “remarkable” na siyam na dekadang serbisyo.

 

Sa pagsasalita sa 90th anniversary celebration ng PCSO sa Manila Hotel, sinabi ng Pangulo na ang ahensiya ay nagsilbi bilang “beacon in times of darkness” para sa hindi mabilang ng mga Filipino.

 

“Nine decades—almost a century of hope, a lottery of chances, and a whole lot of dreams funded, healed, and realized,” aniya pa rin.

 

Pinuri naman ng Punong Ehekutibo ang PCSO para sa “creating not just a system of funding, but a helping hand for Filipinos in need.”

 

Binigyang din ng Pangulo ang ilang PCSO programs na nakaapekto sa maraming buhay gaya ng Medical Assistance Program, Institutional Partnership Program, at Medical Transport Vehicle Donation Program, bukod sa iba pa.

 

Upang markahan ang siyam na dekadang serbisyo ng PCSO, sinabi ni Pangulong Marcos na ang donasyon ng 90 ambulances o patient transport vehicles (PTVs) ay naglalayong tulungan ang mas marami pang Filipino partikular na ang mga nasa geographically isolated at disadvantaged areas.

 

Binanggit din ng Pangulo ang ipinagkaloob ng PCSO sa Tahanan ng Pagmamahal Children’s Home sa Pasig City sa pamamagitan ng Institutional Partnership Program, saklaw ang mga mahahalagang pangangailangan gaya ng pagkain, gatas at medical expenses para sa mga bata.

 

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang ‘past, present, at future leaders at personnel’ ng PCSO para sa kanilang serbisyo sa mga Filipino, at hinikayat ang mga ito na patuloy na tulungan ang mga nangangailangan.

 

“Continue upholding integrity, benevolence, and excellence,” ang sinabi pa rin ni Pangulong Marcos.

 

Natapat naman ang naturang event sa 90th anniversary ng PCSO at tanda ng unang paggunita ng National Day of Charity, itinatag sa pamamagitan ng Proclamation 598 na nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. noong June 13, 2024.

 

Sa kabilang dako, kasama ng Pangulo sa nasabing event si Unang Ginang Liza Marcos, pinasinayaan ang 90th anniversary commemorative stamp ng PCSO sa naturang pagtitipon.

 

Samantala, pinarangalan din ang institutional partners ng PCSO sa hindi matatawarang suporta ng mga ito para matupad ng ahensiya ang misyon nito na magsilbi sa mga mamamayang Filipino.

 

Simula ng likhain ito noong Oct. 30, 1934, ang PCSO ang itinuturing na principal government agency para sa ‘raising funds’ sa pamamagitan ng sweepstakes, races. at lottery games para pondohan ang health programs at medical assistance. (Daris Jose)

Other News
  • Ads April 25, 2022

  • IVERMACTIN, INAPRUBAHAN NA NG FDA

    INAPRUBAHAN na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng isang ospital para sa “Compassionate use” ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa mga tao.   Ayon kay FDA Director Gen. Usec Eric Domingo, binigyan aniya ng special permit  para sa compassionate use ang Ivermectin dahil ito naman aniya ay investigational product laban sa COVID-19. […]

  • P200 monthly ‘ayuda’ para sa mahihirap na pamilya, aprubado na

    INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbibigay ng P200 monthly allowance o “ayuda” para sa mga mahihirap na pamilyang filipino para sa buong taon para pagaanin ang epekto ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.     Sinabi ni Acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar na inaprubahan ng Pangulo ang dalawang rekumendasyon […]