Dating Pangulong Duterte, dapat humarap sa Quad-Committee
- Published on November 1, 2024
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN si Rep. Jude Acidre ng Tingog Partylist kay dating Presidente Rodrigo Duterte na harapin ang Quad-Committee kasunod na rin sa naging testimonya nito sa senado ukol sa kanyang anti-drug campaign.
“Duterte’s admissions about his ‘death squad’ and his chilling willingness to command extrajudicial killings reveal a leader who has absolutely no regard for human life. It’s appalling that he continues to hide behind the facade of a tough-on-crime persona while leaving a trail of bloodshed in his wake,” ani Acidre.
Sa ginanap na pagdinig kamakailan ng senado, inamin ni Duterte na inatasan niya ang isang grupo ng mga maton para tapusin ang mga pinaghihinalaang panganib. Sinabihan din nito ang mga pulis na udyukan ang mga suspek para magkaroon ng komporntasyon upang mabigyang hustisya ang pagpatay.
Tinataya na mahigit sa 6,252 katao ang nasawi sa ilalim ng drug war, sa kabila na sinasai ng ilang human rights organizations na ang aktuwal na bilang ay mas malaki pa dito.
Iginiit ni Acidre ang pangangailangan ng isang transparent inquiry, kung saan ang pagbibigay hustosya sa mga biktima ang pangunahing prayoridad.
“We must hold Duterte and his enablers accountable for the senseless violence they unleashed on this nation. The Filipino people deserve justice, not hollow excuses and justifications from a leader who has caused nothing but chaos and suffering,” pagtatapos nito. (Vina de Guzman)
-
Sec Año itinangging inutusan ang PNP na puntahan ang mga community pantry
Ikinagulat ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año ang ginagawang pag-iikot ng mga pulis sa iba’t ibang community pantries upang magsagawa umano ng profiling sa organizers nito. Ayon kay Año, wala siyang inutos sa PNP na magsagawa ng profiling at hindi na bago ang mga nagsulputang community pantry dahil matagal na itong […]
-
MOTORSIKLO SUMALPOK SA KOTSE, RIDER TODAS
NASAWI ang isang rider matapos dumulas at sumemplang ang minamanehong motorsiklo saka sumalpok sa isang papalikong kotse sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktima na kinilalang si Juanito Angala, 44-anyos, may-asawa at residente ng Blumentrit Extension, […]
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 40) Story by Geraldine Monzon
NAGSIMULA na ang welcome party para kay Bela. Kulang ang kanyang pagdiriwang kung hindi darating ang itinuring na niyang pangalawang ina. Subalit wala ito sa hanay ng mga naroon. Sa halip, ang natagpuan ng kanyang mga mata ay ang isang tao na hindi niya inaasahan na makakarating doon…nakatayo sa pintuan bakas ang pagkagulat sa mukha […]