PBBM ayaw nang pag-usapan tungkol kay VP Sara
- Published on November 4, 2024
- by @peoplesbalita
HINDI na pinatulan pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga banat ni Vice President Sara Duterte laban sa kanya.
Sa pagbisita ng Pangulo sa mga labi ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, natanong siya tungkol sa pahayag ni VP Duterte na nais niyang ipahukay ang mga labi ng ama at itatapon sa West Philippine Sea (WPS).
Sagot ni Pangulong Marcos, mas makakabuting hindi na magkomento.
“I’d rather not,” maiksing tugon ni Marcos.
Bukod dito, ayaw na rin pag-usapan ni Pangulong Marcos nang tanungin kung ano ang lagay ng pagkakaibigan nila ni Duterte.
“Let’s talk about it some other time,” wika niya.
Kasama rin ng Pangulo na bumisita sa puntod ng dating Pangulo si First Lady Imelda Marcos.
Samantala, hangad naman ni Pangulong Marcos na maging mataimtim ang paggunita ng mga Filipino sa Undas. (Daris Jose)
-
Bagong number coding scheme pinag-aaralan
May bagong number coding scheme ang pinag-aaralan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipapatupad kung saan dalawang (2) araw sa isang (1) linggo na bawal ang pribadong sasakyan na lumabas sa mga lansangan. Inihayag ito ni MMDA chairman Romando Aries sa isang panayam na ginawa noong nagkaron ng President Duterte’s Talk to […]
-
Sotto ‘di lalaro sa Gilas sa Jordan at Indonesia
Hindi na makakapaglaro si Kai Zachary Sotto para sa Gilas Pilipinas na sasali sa dalawang torneo sa buwang ito at sa papasok sa magkaibang bansa. Ito ay sa King Abdullah Cup 2021 sa Amman, Jordan sa Huly 26-Agosto 3, at sa 30th International Basketball Federation Asia Cup 2021 Final sa Jakarta, Indonesia sa […]
-
Cebu City, isinailalim na sa state of calamity dahil sa Bagyong Agaton
TULUYAN nang nagdeklara ng state of calamity si Cebu City Mayor Mike Rama sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Agaton na nagdala ng walang humpay na pag-ulan sa lungsod. Alinsunod sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council, ipinatupad rin ng alkade ang “no work, no classes” ngayong araw bilang preventive […]