6 bayan sa Batangas, nakakuha ng P60-M Presidential Aid
- Published on November 5, 2024
- by @peoplesbalita
NAMAHAGI si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes, ng P60 million na tulong sa anim na munisipalidad sa Batangas na apektado ng Severe Tropical Storm Kristine.
Sa naging talumpati ng Pangulo, nakidalamhati ito sa nangyaring trahedya at umaasa na makatutulong sa mga komunidad ang tulong mula sa pamahalaan para sa pagbangon nito mula sa kalamidad.
“Mula sa Tanggapan ng Pangulo, magkakaloob tayo ng PhP60 milyong piso na tulong na ipapamahagi ng DSWD para sa mga munisipalidad ng Batangas, kasama na rito ng Talisay, na lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Makakatanggap po ng tig-sampung libong piso ang mga piling magsasaka at mangingisda na labis na tinamaan ng bagyong ito,” aniya pa rin.
Ang bawat isa sa anim na munisipalidad, Talisay, Laurel, Agoncillo, Cuenca, Lemery, at Balete – ay makatatanggap ng P10 million.
Nauna rito, ipinag-utos naman ng Pangulo sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na paigtingin ang disaster preparedness efforts para pagaanin ang epekto ng mga bagyo at iba pang natural disasters.
Nauna rito, dumalo ang Chief Executive sa National Mourning Mass for Kristine’s victims sa Barangay Sampaloc, Talisay, Batangas.
Iniulat naman na ang Batangas ang may pinakamataas na bilang ng mga nasawi na umabot sa 61, karamihan sa mga ito ay nasawi dahil sa landslides at pagkalunod. (Daris Jose)
-
DA, patuloy na palalakihin ang loan programs para makatulong sa mga magsasaka na makabangon, mapalakas ang produksyon
PATULOY na paghuhusayin at palalakihin ng Department of Agriculture (DA) ang loan programs para tulungan ang mga magsasaka at mangingisda para palakasin ang produksyon, tulungan ang mga naapektuhan ng kalamidad at hikayatin ang mga kabataan na makisali sa pagsasaka. Sa isang panayam, sinabi ni DA Agricultural Credit Policy Council Executive Director Ma. Cristina Lopez na […]
-
Price cap sa bigas, ‘going as well as we can expect’- PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na “going as well as we can expect” ang ipinataw niya na price ceiling sa bigas. Sa katunayan, unti-unti ng nakapag-adjust ang mga retailers sa price cap, iyon ay kahit pa may ilan ang pansamantalang itinigil ang pagbebenta ng bigas para maiwasana ng pagkalugi. “We […]
-
Chinese vessels sa West PH Sea lalo pang dumami, umaabot na sa 240 barko – Task Force
Mas lalo pa umanong dumami ang mga barko ng Chinese na nakapaligid sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas. Batay sa latest maritime at sovereignty patrols na isinagawa noong April 11, 2021 nasa 240 Chinese vessels ang nakakalat sa iba’t ibang bahagi ng West Philippine Sea sa karagatang sakop ng bansa. […]