Pilipinas, mayroon nang mahigit 68.6 milyong registered voters sa 2025 NLE at BARMM parliamentary polls
- Published on November 5, 2024
- by @peoplesbalita
UMAABOT na umano sa mahigit 68.6 milyon na ang rehistradong botante sa bansa para sa 2025 National and Local Elections (NLE), gayundin sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary elections.
Batay sa datos na inilabas ng Commission on Elections (Comelec) kahapon, hanggang nitong Oktubre 31, 2024, mayroon nang kabuuang 68,618,667 rehistradong botante ang Pilipinas.
Sa naturang bilang, 33,690,884 ang mga lalaking botante habang 34,927,783 naman ang mga babaeng botante.
Ayon sa Comelec, ang registered voters sa Region 4A (Calabarzon) ay nasa 9,764,170; Region 3 (Central Luzon), 7,712,535 voters; National Capital Region, 7,562,858; Region 7 (Central Visayas), 4,407,337; at Region 5 (Bicol Region), 4,066,662.
Sumunod naman ang Region 1 (Ilocos Region), 3,651,539; Region 11 (Davao Region), 3,386,929; Region 8 (Eastern Visayas), 3,264,935; Region 10 (Northern Mindanao), 3,197,586; Region 6 (Western Visayas), 3,145,219; Negros Island Region (NIR), 3,069,836; Region 9 (Zamboanga Peninsula), 2,881,715; Region 12 (SOCCSKSARGEN), 2,709,058; BARMM with SGA , 2,368,404; Region 2 (Cagayan Valley), 2,364,249; Region 4B (Calabarzon), 2,064,160; Region 13 (CARAGA), 1,889,616; at Cordillera Administrative Region (CAR), 1,111,859.
Samantala, iniulat din naman ng Comelec na hanggang Setyembre 30, 2024, mayroong 532,837 applicant hits na natukoy sa pamamagitan ng Automated Fingerprint Identification System (AFIS) .
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, ang mga naturang kaso ay isasailalim sa ‘removal of double or multiple registrants per AFIS.’ (Daris Jose)
-
Mula sa 17 rehiyon sa Pilipinas, nagsumite na sa DILG ng ‘unvaxxed list’
SINABI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na 12 mula sa 17 rehiyon sa bansa ang nagsumite ng listahan ng mga indibidwal na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagpapabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19). Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang data na ito ay naglalayon na […]
-
Maapektuhan kaya ang mga kontrata at endorsements nila?: JERALDINE, inaming hiwalay na sila ni JOSH at co-parenting kina NIMO at JETTE
NAGULAT talaga kami sa bagong Instagram video na ipinost ni Jeraldine Blackman. Umaasa kami na sana ay “prank” lang ito, pero hanggang dulo, umiiyak ito at walang “It’s a prank!” na litanya. Nakahihinayang dahil ang minahal ng hindi lang mga Pinoy, maging ibang lahi na The Blackman family ay hindi na buo bilang isang pamilya. Inamin […]
-
Did you miss her? Watch the teaser for “M3GAN 2.0,” in PH cinemas on June 25
The bitch is back. Blumhouse shares a teaser trailer of “M3GAN 2.0,” the sequel to the hit 2023 horror film about a humanoid child-sized robot turned murderous. Watch the teaser on Facebook: https://tinyurl.com/aeu44yb2 Also on TikTok: https://tinyurl.com/n36hybad A brand new “M3GAN 2.0” launches in Philippine cinemas on June 25. Follow Universal Pictures PH (FB), UniversalPicturesPH […]