• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lookout bulletin order vs 7 OVP officials, hiling

HINILING ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng lookout bulletin order laban sa pitong opisyal mula sa Office of the Vice President (OVP) kaugnay sa imbestugasyon nito ukol sa alegasyon ng mismanagement ng government funds sa ilalim ni Vice President Sara Duterte.

 

Ang kahilingan ay ginawa ni Manila Rep. Joel Chua, chairman ng komite kasunod nang pagpapalabas ng subpoenas para padaluhin ang mga naturang opisyal sa pagdinig kasunod na rin sa ilang beses na hindi pagdalo ng mga ito.

 

Kabilang sa mga pinangalanang opisyal sa kahilingan ay sina OVP chief of staff Zuleika Lopez; assistant chief of staff and Bids and Awards Committee chair Lemuel Ortonio; Administrative and Financial Services Director Rosalynne Sanchez; Special Disbursing Officer (SDO) Gina Acosta; at chief accountant Juleita Villadelrey.

 

 

Pinatawag din sina dating Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Sunshine Charry Fajarda at Special Disbursing Officer (SDO) Edward Fajarda, kapwa nasa OVP.

 

 

Ang mag-asawang Fajarda ay pawang close aides kay Vice President Duterte habang nagsisilbi itong kalihim ng DepEd mula July 2022 hanggang sa kanyang pagbibitiw nitong July 2024.

 

 

Sa kanyng liham kamakailan kay DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla, sinabi ni Chua na ang mga testimonya ng mga naturang opisyal ay importante sa imbestigasyon at masiguro ang accountability ng public funds.

 

 

Ayon kay Chua, nakatanggap ang kanyang panel ng impormasyon na naghahanda umano ang mga naturang personalidad na umalis ng bansa.

 

“Considering these developments, I earnestly request your office to issue a Lookout Bulletin Order against these personalities. This action is imperative to monitor their movements and prevent any potential attempt to flee the country, which could significantly hinder our investigation and broader efforts to uphold the integrity of public service,” ani Chua.

 

Ang imbestigasyon ng komite ay kasunod na rin sa naging privilege speech ni Manila Rep. Rolando Valeriano, na nag-akusa kay Duterte ng fund mismanagement sa OVP base sa naging findings ng Commission on Audit (COA).

 

Simula nang umpisahan ang pagdinig ng komite, wala ni isa sa pitong opisyal ng OVP ang dumalo sa hearings. (Vina de Guzman)

Other News
  • Derek, pinatulan ang mga bastos na bashers sa tsikang naghiwalay na

    PINATULAN ni Derek Ramsay ang mga bastos na bashers sa habang nasa gitna ng balitang naghiwalay na sila ni Andrea Torres.   Sinabihan kasi si Derek na tapos na raw ang ‘tikiman’ nila ni Andrea, at na-predict na hindi talaga magtatagal ang kanilang relasyon.   May isa pang nag-comment ng, “I think he’s not into […]

  • Mga bagong EDCA sites, nakakalat sa buong bansa

    SINABI ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na nakakalat sa iba’t ibang lugar sa Pilpinas ang  mga bagong sites na magho-host sa American troops sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).     Sa katunayan, matatagpuan ang mga bagong EDCA sites sa  Palawan at sa hilaga at katimugang bahagi ng bansa.     Tinuran ng […]

  • ANNE, balik-Pinas na at aabangan ang muling pagho-host sa ‘It’s Showtime’

    BALIK Pilipinas na pala ang pamilya nina Anne Curtis at Erwann Heusaff kasama ang kanilang baby girl na si Dahlia.     Mahigit isang taon din sila sa Melbourne, Australia kunsaan ay nanganak si Anne at nag-stay sila hanggang 11 months old si Dahlia.  Siyempre, nag-extend talaga ang stay nila sa Australia dahil sa pag-surge ng […]