Binata na wanted sa statutory rape, nasilo sa Navotas
- Published on November 5, 2024
- by @peoplesbalita
HIMAS-REHAS ang 19-anyos na binata na wanted sa kaso ng statutory rape matapos malambat ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Navotas City.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong akusado na si alyas “Jhayr”, residente ng lungsod at nakatala bilang Top 8 Most Wanted Person sa Northern Police District (NPD).
Sa kanyang report kay NPD OIC Director P/Col. Josefino Liga, sinabi ni Col. Cortes na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan ang presensya ng akusado sa Brgy. Tangos South.
Agad inatasan ni Col. Cortes ang Warrant and Subpoena Section (WSS) na bumuo ng team para sa isasagawang pagtugis sa akusado na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong alas-7:45 ng gabi sa Bagong Kalsada. Brgy. Tangos South.
Si ‘Jhayr’ ay binitbit ng mga tauhan ng WSS sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Cecilia Bunagan Parallag ng Regional Trial Court Branch 9, Navotas City na may petsang September 30, 2024, para sa kasong statutory rape.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Navotas police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte sa paglilipat sa kanya sa City Jail.
Pinapurihan naman ni Col. Ligan ang si Col. Cortes at ang kanyang mga tauhan sa kanilang masigasig na kampanya kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado. (Richard Mesa)
-
Ads June 11, 2024
-
Australia at New Zealand napiling host ng 2023 Women’s World Cup
Napili ng FIFA ang Australia at New Zealand na maging co-host ng 2023 Women’s World Cup. Ito ang ay base sa ginawang botohan ng FIFA. Inanunsiyo ng FIFA sa pamamagitan g virtual executive council meeting kung saan 22 sa 35 na boto ang sumang-ayon sa pag-host ng dalawang bansa ng nasabing torneo. Lumakas ang […]
-
GINEBRA BABALIKWAS SA GAME 2 – TENORIO
SOBRA ang pagkadismaya ni Earl Timothy ‘Tim’ Cone sa Barangay Ginebra San Miguel na tinambakan ng Meralco 104-91 sa Game 1 ng 46th Philippine Basketball Association 2021-222 Governors Cup best-of-seven Finals nitong Miyerkoles ng gabi sa Araneta Coliseum. Hindi na nakapalag ang Gin Kings sa Bolts nang matambakan ng 21 puntos sa laro […]