Pagdinig ng HCGG panel sa ‘confi funds’ ‘in aid of legislation’ pinalawig pa
- Published on November 6, 2024
- by @peoplesbalita
PINALAWIG pa ang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay sa pagtalakay sa maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at DepEd.
Ito’y matapos nag mosyon si Congressman Romeo Acop na i-extend ang naturang hearing ‘in aid of legislation’ na agad namang naaprubahan ng komite.
Hindi pa matukoy kung kailan matatapos ang nasabing pagdinig kung saan tinatalakay ang maling paggamit ng confidential funds ng OVP at DepEd.
Sa opening statement binigyang-diin ni House panel chairman Congressman Joel Chua kung bakit isinasagawa ang pagdinig.
Aniya, ito ay para malaman kung saan at paano maaaring samantalahin ang confidential funds, anong mga ahensiya ang karapat-dapat pagkalooban nito, at ano ang dapat ilagay para maiwasan ang pang-aabuso at maprotektahan ang pondo ng taumbayan.
President Sara Duterte na siya ring Education Secretary noon, at ang special disbursement officer ng DepEd at OVP na sina Edward Fajarda at Gina Acosta.
Sabi ni Chua, sa kabuuan nasa higit P612 million pesos ang halaga ng confidential funds na nagastos sa ilalim ng dalawang ahensiya.
No show pa rin ang pitong opisyal ng OVP na nauna nang ipina-subpoena ng komite dahil hindi anila ‘in aid of legislation’ ang isinasagawang pagdinig.
Sa liham na isinumite sa kamara, sinabi ng mga opiysal na dapat isama sa imbitasyon ang draft bill para sa impormasyon ng resource person.
Sinabi naman ng ilang opisyal ng OVP na hindi nila natanggap ang subpoena mula sa Kamara. (Daris Jose)
-
Task force, bineberipika ang ulat ng nawawalang mga mangingisdang Pinoy sa WPS
IBEBERIPIKA pa munang mabuti ni National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) chairperson Hermogenes Esperon Jr. ang inihayag ni presidential aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson na may ilang mangingisdang Filipino ang sinasabing nawala sa karagatan. “Mag-verify lang ako kasi wala syang sinasabing dates,” ayon kay Esperon, isang National Security Adviser, sa […]
-
Pangamba ng publiko sa nabibiling karne ng baboy sa market, pinawi ng mga Agri groups
PINAWI ng iba’t ibang samahan ng mga magbababoy ang pangamba ng publiko sa nabibili sa palengke at pagkain ng karneng baboy tungkol sa isyu ng African Swine Fever o ASF Scare. Sa pulong balitaan sa QC Hall, sinabi ni National Federation of Hog Farmers Chairperson Chester Tan, ligtas kainin ang mga karneng baboy. […]
-
Memorable sa kanya ang first worst date: GABBY, nahirapang sagutin kung sinu-sino ang ‘perfect 10’
MASAYANG nagkuwento si Gabby Concepcion sa ilang personal na bagay sa pinakabago niyang video sa kanyang YouTube channel. Ilan sa ibinahagi niya sa kanyang vlog ay tungkol sa pakikipag-date, crushes, at marami pang iba. Ayon sa 58-year old former ‘80s heartthrob, memorable sa kanya ang naging first date niya dahil ito […]