• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, pinasalamatan si Malaysian PM Anwar para sa tulong sa mga biktima ng bagyong Kristine

PERSONAL na tinawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim para pasalamatan ito sa tulong ng gobyerno nito sa Pilipinas matapos na hagupitin ng Severe Tropical Storm Kristine.

 

“The air support they provided allowed us to reach areas that are still struggling with severe flooding, bringing relief to families who otherwise couldn’t be reached,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang kalatas.

 

Isa ang Malaysia sa Southeast Asian countries na nag-deploy ng kanilang air assets para makapagbigay ng tulong sa mga lugar na apektado ng bagyong Kristine.

 

Ang iba pang bansa ay ang Indonesia, Singapore, at Brunei.

 

“In this time of mourning the lives lost, it is also heartening to see how our friends in ASEAN have responded with support in our time of need,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

“This kind of solidarity is what strengthens our region,” aniya pa rin.

 

Base naman sa data ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, mayroong mahigit sa dalawang milyong pamilya ang apektado ng bagyong Kristine at kamakailan na Bagyong Leon sa 17 rehiyon at 82 lalawigan. (Daris Jose)

Other News
  • Special QCinema Compilation Of LGBTQ Short Films Deserves A Second Look

    FROM its premiere last year with QCinema, How to Die Young in Manila by Petersen Vargas is about a surreal meet-up amidst a violent setting.     The film, which has been exhibited in Busan, LA Outfest & Singapore, stars Elijah Canlas where he portrays a teenage boy following a group of young hustlers, thinking […]

  • PDu30, umaasa na mauulit ang matagumpay na unang ‘Bayanihan, Bakunahan’

    DAHIL sa tagumpay ng bansa sa kauna-unahang sabay-sabay na vaccine drive laban sa Covid-19 mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 3, umaasa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kahalintulad na resulta para sa “second round” nito sa susunod na linggo.   Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, sinabi ni Pangulong Duterte na […]

  • MRT-3, nakapagsilbi sa higit 281K pasahero

    INIULAT  ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na umaabot sa kabuuang 281,507 ang mga pasaherong kanilang napagserbisyuhan sa unang araw ng implementasyon ng kanilang isang buwang libreng sakay program nitong Lunes, Marso 28.     Ayon sa MRT-3, ito na ang pinakamataas na bilang ng mga commuters na sumakay ng tren simula […]