Gamutan sa pabalik-balik na sakit, sagot na ng PhilHealth
- Published on November 6, 2024
- by @peoplesbalita
SAGOT na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pabalik-balik na pagpapagamot at pagpapaospital dulot ng kaparehong sakit sa loob ng 90 araw.
Ito naman ang magandang balita ng PhilHealth kung saan nagsimula na ito noong Oktubre 1, 2024 matapos na alisin ang Single Period of Confinement o SPC rule.
Nabatid na ipinatupad ang SPC noong panahon ng Medicare, kung saan limitado lamang sa isang beses ang bayad para sa mga pasyenteng paulit-ulit na nao-ospital dahil sa parehong sakit o operasyon sa loob ng 90 araw.
Dahil sa polisiyang ito, ang mga miyembro ng PhilHealth ay napipilitang magbayad ng buo sa kanilang hospital bills o kaya ay hindi nababayaran ang mga hospital claims.
Ayon kay PhilHealth Chief Emmanuel R. Ledesma, Jr., matapos ang masusing pag-aaral, inalis na nila ang naturang polisiya upang lalong matiyak na tuloy-tuloy ang benepisyo para sa mga pasyenteng may pabalik-balik na sakit.
“Ang hakbang na ito ay pagtupad sa aming pangako na lubusin ang mga benepisyo para sa miyembro na kailangan nila sa kanilang paggaling,” aniya.
Ayon kay Ma. Celia Buñag, Supervising Administrative Officer ng Quezon City General Hospital, malaking tulong ang pagtatanggal ng SPC dahil karamihan sa mga pasyente ay may recurring illness tulad ng pneumonia o chronic obstructive pulmonary disease.
Samantala, ipinaalala naman ng PhilHealth sa mga miyembro na maaaring magamit ang anumang benepisyo sa loob ng 45 araw sa buong taon, maliban sa hemodialysis benefits package dahil mayroong nakalaang hiwalay na 156 sessions sa bawat taon para dito.
-
Netizens, humihirit pa rin na magka-Book 3: ‘First Lady’ nina GABBY at SANYA, hataw pa rin sa pagtanggap ng awards
ISA sa nanguna sa pagbuo ng 2022 GMA Christmas Station ID na “Love is Us this Christmas” ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. During the station ID shoot, nag-reflect ang mag-asawa sa meaning of the song for them. For Dingdong, “para sa akin, ang ibig sabihin […]
-
Ads July 6, 2022
-
Pinay tennis star Alex Eala pasok na sa semifinals ng W60 Madrid
PASOK na sa semifinals ng W60 Madrid Tournament si Filipino tennis star Alex Eala. Tinalo kasi nito ang number 3 seed na si Jaimee Fourlis ng Australia sa score na 6-1, 6-4. Sinamantala ng 17-anyos na si Eala ang mga forced errors ng 22-anyos na si Fourlis. Susunod na […]