• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quezon City LGU tuloy sa pamimigay ng ELSAROC boxes

PATULOY ang pamamahagi ng Quezon City LGU ng earthquake at landslide search and rescue boxes (Elsaroc) sa lungsod katuwang ang Quezon City Disaster Risk Reduction Office ng lokal na pamahalaan.

 

 

Sa patnubay ni QC Mayor Joy Belmonte, sinabi ni QC District 1 Councilor Charm Ferrer na patuloy ang kanilang pamamahagi ng ELSAROC boxes sa iba’t ibang barangay sa lungsod bilang paghahanda sa ka­lamidad at emergency.

 

Pinakahuling nakatanggap ng ELSAROC boxes ang Barangay Masambong, San Jose at Balingasa.

 

Sinabi ni Ferrer na ang laman ng bawat ELSAROC boxes ay gamit sa pagsagip at pag-rescue sa panahon ng lindol at landslide.

 

 

Sa pamamagitan aniya ng mga ito, pinalalakas ang kahandaan ng mga barangay sa mga hindi inaasahang kalamidad na tatama sa QC.

Other News
  • Magsasagawa ng ‘house-to-house’ jabs, paigtingin – Malakanyang

    KUMBINSIDO ang Malakanyang na kailangan lang na paigtingin ang “house-to-house” vaccination sa vulnerable at senior citizens ng local government units (LGUs) para mas mapapabilis ang COVID-19 vaccination campaign ng gobyerno sa labas ng National Capital Region (NCR) at kalapit-lalawigan.     Sinabi ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, na ang tagumpay ng […]

  • Vander Weide believes Petro Gazz has firepower to match Cignal

    Dahil sa matinding pagkatalo sa Creamline sa kanilang semis opener, alam ng import ng Petro Gazz na si Lindsey Vander Weide na kailangan niyang makipag-usap sa kanyang mga kasamahan sa koponan upang palakasin ang kanilang moral bago ang kanilang laban laban sa second-seeded na si Chery Tiggo.     Kaya, bago ang laro, hiniling ng […]

  • Cornejo, Lee guilty sa ‘illegal detention for ransom’ vs Vhong Navarro — korte

    HINATULANG  “guilty beyond reasonable doubt” sina Deniece Cornejo, Cedric Lee at dalawang iba pa kaugnay ng kasong serious illegal detention for ransom na inihain ng TV host-actor na si Vhong Navarro.     Reclusión perpetua ang ibinabang hatol ng Taguig Regional Trial Court (RTC) Branch 153 sa nangyaring promulgation ngayong Huwebes ng umaga, ayon sa […]