• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte, negatibo sa drugs

ITO ay batay sa ipinalabas na resulta ng tanggapan ni Davao City Rep. Paolo Zimmerman Duterte sa isinagawang hair follicle drug test ng Hi-Precision Diagnostics Center na ginawa noong Oktubre 23, 2024.

 

Ang test na kilala bilang “Hair 7 Drug Panel Test,” na ginawa sa nakuhang hair sample mula sa mambabatas, ng Omega Laboratories, isang certified testing facility.

 

Kasama sa naging screening ang ilang drugs tulad ng Amphetamine, Methamphetamine, Cocaine/Metabolites, Opiates, Extended Opiates, Phencyclidine (PCP), THC Metabolite (Marijuana), at Benzodiazepines.

 

Lahat ng ginawang pagsusuri ay lumabas na negatibo, na nagpapakita na wala ni isa sa mga naturang substances ang nakita sa sistema ni Duterte.

 

Nakalagay sa official document, na may petsang October 28, 2024, na sinertipikahan ng Hi-Precision Diagnostics, ang ginawang screening process gamit ang advanced techniques tulad ng ELISA (enzyme-linked immunosorbent assay) para sa initial testing at GC/MS (gas chromatography/mass spectrometry) o LC/MS/MS (liquid chromatography/tandem mass spectrometry) para sa confirmation. (Vina de Guzman)

Other News
  • KELOT HULI SA AKTONG SAKAY ANG TINANGAY NA MOTOR

    KALABOSO ang 30-anyos na single father matapos maaktuhan ng mga pulis na sakay ang isang tinangay na motorsiklo sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni District Anti-Carnapping Unit ng Northern Police District (DACU-NPD) chief PMAJ Jessie Misal ang naarestong suspek bilang si Joe Mark Tenorio, 30 ng 389 Marulas A. Brgy. 36. […]

  • ‘Nutribun’ feeding program, palalakasin

    NAIS  ni Senador Imee Marcos na palakasin ang ‘Nutribun Feeding Program’ sa harap ng mga progra­mang pang-nutrisyon ng gobyerno na umano’y kulang sa sustansya.     Sinabi ito ni Marcos kasabay ng pagdiriwang nitong nakaraang linggo ng ika-105 kaarawan ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na nagsimula ng Nutribun Feeding program […]

  • 27 milyong Pinoy, target na gawing fully vaccinated ng gobyerno sa katapusan ng buwan

    TARGET ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 27 milyong Filipino laban sa nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) sa katapusan ng buwan.   Isiniwalat ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., isa ring chief implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, na hangad ng gobyerno na gawing bakunado o fully vaccinated ang limang milyong Filipino […]