Trafficking ng mga Pinay para gawing surrogate, pinaiimbestigahan
- Published on November 6, 2024
- by @peoplesbalita
DALA na rin sa nakakaalarmang ulat ukol sa mga Pilipina na iligal na nire-recruit at pinadadala sa ibang bansa para magsilbing surrogate mothers, pinaiimbestigahan ni OFW Party List Rep. Marissa Magsino ang naturang isyu.
Layon ng House Resolution 2055 na malaman ng mambabatas na matukoy at matugunan ang gaps sa labor recruitment, migration policies, at anti-human trafficking laws upang mapigilan ang eksploytasyon ng mga kababaihan.
Base sa huling imbestigasyon, nasa 20 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang na-engganyo ng isang local agency na magtrabaho sa Thailand, subalit pinuwersa sa infant-trafficking scheme sa Cambodia.
Labing-tatlo sa mga ito ang sinasabing buntis sa pamamagitan ng artipisyal na pamamaraan at nakaharap sa human trafficking-related na kaso habang ang natitirang pitong ofw ay nanganganib na mapa-deport dahil sa paglabag sa immigration laws.
“Surrogacy must not come at the cost of our women’s dignity and rights. These women were promised legitimate jobs, only to find themselves victims of a heinous trafficking scheme. We must take immediate action to protect them and ensure such exploitation is curbed,” anang mambabatas.
Layon din ng imbestigasyon ang implikasyon ng trafficking schemes, na isang paglabag sa karapatang pantao partikular na laban sa karapatan ng mga babae at bata.
Habang minomonitor ng Department of Justice (DoJ) at Inter-Agency Council Against Trafficking in Persons (IACAT) ang naturang mga kaso, isinusulong ng resolusyon na masiguro na hindi na magiging biktima ang mgapinay sa mga ganitong panloloko sa hinaharap. (Vina de Guzman)
-
DOH, naghahanap pa ng karagdagang pondo para sa mga health workers ng bansa
NAGHAHANAP pa ng karagdagang pondo ang Department of Health para sa healthcare workers benefits ng bansa. Ayon kay Department of Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, magkakaroon sila ng pagpupulong kasama ang Department of Budget and Management upang ma identify ang ilan pang source of fund para mapunan ang kulang na budget sa healthcare […]
-
CINE EUROPA IS SCREENING 19 FILMS ONLINE UNTIL NOVEMBER 29!
CINE Europa, Europe’s biggest and most exciting film festival is now back in the Philippines from 31 October to 29 November. The pandemic is not about to stop the film festival but in effect has provided an occasion to turn a challenge into an opportunity. This year, Cine Europa brings 19 films from […]
-
Gitna ng TNT, pinapapwersa kay Erram
TIBA-TIBA ang Talk ‘N Text sa offseason nang makalawit si John Paul ‘Poy’ Erram mula sister-team North Luzon Expressway. May dalawang ulit pang pinarebisa ng Philippine Basketball Association (PBA) trade committee ang mga dokumento bago naaprubahan ang three-team trade kasangkot ang Blackwater. Pumuwersa lalo ang KaTropa, nagkaroon ng lehitimong big man. Mas mapapakinabangan […]