• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Parehong pasok ang movie nila sa ’50th MMFF’: ARJO, tumindig talaga ang balahibo nang malamang makakasama si JUDY ANN sa ‘The Bagman’

SA Amerika na naka-base ang sikat na OPM singer na si Ella May Saison.

 

 

Kuwento niya, “I live with my 2 dogs, I live there peacefully, my life there is so simple, sa Dallas Texas.

 

 

“Gusto ko yung life na ganun, nakakapag-contemplate ako, nakakagawa ako ng songs, nakakapag-isip ako ng mga bagay-bagay positively, yun lang ang buhay ko dun.

 

 

“I moved to the US in 2001, I moved to LA first and then I moved to Texas 3 years after.”

 

 

May singing career raw doon sa US si Ella May.

 

 

“Oh yes! I still get to do my passion as a singer, mostly mga special occasions, mga ganun.”

 

 

Noong 2020 ay may concert dapat si Ella May dito sa Pilipinas…

 

 

“I was here in 2020, mismo yung pandemic, the concert didn’t push through kasi iyon yung medyo chaotic na e, so I wasn’t able to do the show, but I was able to stay.

 

 

“Nag-lockdown talaga, so I was just with my family, yun lang, I was with my mom, my brothers, my sisters, yun lang, nasa bahay lang kami and then, you know, just to be with them, okay na ako dun.

 

 

“I stayed here…mga 7 months, actually. Pinatapos ko lang yung pandemic and then I went and left.”

 

 

Pero sa ngayon ay balik-Pinas si Ella May.

 

 

“Yes, parang blessing in disguise din e. Actually, I was just… my sister just called me before I went here and she said if I wanted to do a show, and I didn’t know pa kung ano yun, but I just said yes, kung sino yun.

 

 

“And then I found out na I’m going to do a show with South Border. Sabi ko, ‘Bakit hindi? Why not, di ba?’”

 

 

Magkakaroon ng concert sina Ella May at ang grupong South Border sa pangunguna ng male vocalist nitong si Jay Durias, ang Soundtrip Sessions Vol. 3 sa November 9 sa The Theater at Solaire, alas otso ng gabi.

 

 

Ano ang aabangan dito ng kanilang mga tagahanga?

 

 

“Actually, we’ll make you in love again, we’ll make you cry again. So abangan ninyo yan,” ang sinabi pa ni Ella May.

 

 

***

 

 

DREAM come true para kay Arjo Atayde na makatrabaho si Judy Ann Santos at ito ay sa upcoming series na ‘The Bagman.’

 

 

Noon pa man ay ikinukuwento na ni Arjo na bata pa lamang siya ay hinahangaan na niya si Judy Ann; magkasama ang ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez at Judy Ann sa ABS-CBN teleserye na ‘Esperanza’ na umere noong 1997 hanggang 1999.

 

 

Tumindig raw ang balahibo ni Arjo nang nalaman niya na makakasama niya si Judy Ann sa ‘The Bagman.’

 

 

“Sabi ko, ‘Oh my God!’

 

 

“Parang nag-360 yung aking karera. Ever since I started, one of the reasons why I kept saying this, Esperanza days kasi with Mommy, di ba the script I used to kopya, sabi niya, ‘Bakit mo kinokopya pambabae yang script na yan?’

 

 

“But then they understood it kasi it was drama, and mimicking and copying, siguro back in the days, they didn’t notice it directly, it became an influence to me, and then later on, nandito nga ako.

 

 

“Then after how many years, coming from that beginning, and then starting in showbiz, and then bigla na lang makakatrabaho ko din pala siya in one big project.

 

 

“So when I found out to be honest, goosebumps, everything else, mixed emotions, I was happy, I was crying!

 

 

“I was just very emotional to be given the opportunity to work with her, kasi it’s one of my goals talaga,” ang masayang pahayag pa ni Arjo.

 

 

Incidentally, parehong pasok sa 50th Metro Manila Film Festival (sa December 25) ang respective movies ng dalawa; ang hard action movie na ‘Topakk’ ni Arjo mula sa Nathan Studios na kumpanya ng mga Atayde at ang horror film na ‘Espantaho’ ni Judy Ann na ang isa sa mga producers ay ang Purple Bunny Productions na pag-aari naman ni Juday.

 

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

 

Other News
  • Granular lockdown sa Navotas, ipinatupad

    Isinailalim sa granular lockdown ang sampung lugar sa Navotas city matapos tumaas ang bilang ng mga nagposito sa Covid-19 sa naturang mga lugar.     Ayon kay Mayor Toby Tiangco, kabilang sa mga ni-lockdown ang Navotas City Hall-February 23-March 9, 2021, Gov. Pascual Sipac Almacen mula  February 24 – March 10, 2021, Sioson St., Bangkulasi – […]

  • Verified Nanunumbalik na pinagtawanan, nilait at hinusgahan ang anak: SYLVIA, proud na proud kay ARJO na isa ngayong Congressman

    SA Instagram post ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez, proud na proud siya sa anak na si Arjo Atayde na nanalong Congressman sa District 1 ng Quezon City.     Ibinahagi niya ang mahabang mensahe para award-winning actor, kalakip ang mga larawang kuha sa panunumpa nito.     Panimula ni Sylvia, “Ang saya saya […]

  • Mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno, handa kay ‘Gener,’ ‘Pulasan’