Kaabang-abang ang line-up ng 12th QCinema filmfest… ‘Phantosmia’ na pinagbibidahan ni JANINE, first time na mapapanood sa bansa
- Published on November 6, 2024
- by @peoplesbalita
KAABANG-ABANG ang lineup sa ika-12 edisyon ng QCinema International Film Festival na may temang ” The Gaze” kung saan tampok ang 77 pelikula na kinabibilangan ng 22 shorts at 55 full-length features sa iba’t-ibang kategorya.
Sa kauna-unahang pagkakataon, apat na short films na produkto ng Directors’ Factory Philippines, isang omnibus film project na nagsimula sa Cannes Directors’ Fortnight at ipinalabas sa 77th Cannes Film Festival noong Mayo, ang magbubukas ng filmfest.
Ang apat na shorts ay ang“Walay Balay,” na idinirehe nina Eve Baswel mula sa Pilipinas at Gogularaajan Rajendran mula Malaysia; “Nightbirds,” na pinamahalaan nina Maria Estela Paiso mula sa Pilipinas at Ashok Vish mula sa India; “Silig,” na kolaborasyon nina Arvin Belarmino (Pilipinas) at Lomorpich Rithy (aka YoKi) ng Cambodia; at “Cold Cut,” na obra nina Don Eblahan ng Pilipinas at Tan Siyou ng Singapore.
Ang edisyon ng QCinema 2024 ay binubuo ng dalawang main competition sections: ang Asian Next Wave at QCShorts International . Sa taong ito, mas pinaigting ang QCShorts na tampok ang Southeast Asian films kasama ang anim na Filipino short film grantees sa kumpetisyon.
Kasama sa line up ng Asian Next ang “Don’t Cry Butterfly” ni Duong Dieu Linh (Vietnam, Indonesia, Philippines, Singapore), Grand Prize winner sa Venice Critics’ Week; Pierce ni Nelicia Low (Taiwan, Poland, Singapore), Best Director sa katatapos na Karlovy Vary Crystal Globe Competition; at Mistress Dispeller , isang feature documentary ni Elizabeth Lo (China, USA), winner ng NETPAC award for Best Asian Film sa Venice.
Mapapanood din ang Happyend ni Neo Sora (Singapore, UK, USA), Tale of the Land (Indonesia, Philippines, Qatar, Taiwan), winner ng Fipresci prize sa Busan; Viet and Nam ni Truong Minh Quy (Philippines, Vietnam, Singapore, France, Netherlands, Germany, Italy, USA), na itinampok sa Cannes’ Un Certain Regard; at ang Moneyslapper ni Bor Ocampo (Philippines) na magkakaroon ng world premiere.
Magtutunggali naman sa QCShorts International category ang Alaga ni Nicole Rosacay, Kinakausap ni Celso ang Diyos ni Gilb Baldoza, Refrain ni Joseph Dominic Cruz, RAMPAGE! (o ang parada) ni Kukay Bautista Zinampan, Supermassive Heavenly Body ni Sam Villa-Real, at Water Sports ni Whammy Alcazaren.
Tatlo namang Cannes Queer Palm nominees ang mapapanood sa LGBTQA+ section na Rainbow QC: ang Baby ni Marcelo Caetano, The Balconettes ni Noémie Merlant,at My Sunshine , ni Hiroshi Okuyama. Ang dalawa pang kukumpleto ng line up ay ang Pooja, Sir ni Deepak Rauniyar mula sa Venice Orizzonti, at Sebastian ni Mikko Mäkelä na naging kalahok sa Sundance World Dramatic Competition.
Sa New Horizons section naman ay di dapat kaligtaan ang Blue Sun Palace ni Constance Tsang, Cu Li Never Cries ni Phạm Ngọc Lân, na nanalong Best First Feature sa Berlin; Santosh ni Sandhya Suri ( UK’s entry for Best International Feature Film at the 97th Academy Awards) The Major Tones ni Ingrid Pokropek, at Toxic ni Saulė Bliuvaitė, (Locarno Golden Leopard awardee.)
Tampok din sa Screen International ang Afternoons of Solitude ni Albert Serra, When Fall is Coming ni François Ozon,All We Imagine as Ligh t ni Payal Kapadia, Grand Tou r ni Miguel Gomes, (Portugal’s entry for the 97th Academy Awards) ; Critics’ Week section Grand Prize winner, Simon of the Mountain ni Federico Luis; at Palme d’Or winner, Anora ni Sean Baker.
First time ring mapapanood sa bansa ang Phantosmia ni Lav Diaz na pinagbibidahan ni Janine Gutierrez; The End ni Joshua Oppenheimer; The Count of Monte Cristo nina Alexandre de la Patellièr at Matthieu Delaporte, at ang Venice Golden Lion winner na The Room Next Door ni Pedro Almodóvar.
Apat pang sections ang ilulunsad ngayong taon, ang QCLokal, Rediscovery, Contemporary Italian Cinema at QCinema Selects.
Tampok sa QCLokal section ang Room in a Crowd ni John Torres at Makamisa: Phantasm of Revenge ni Khavn.
Sa Before Midnight section naman ay kaabang-abang ang Motel Destino ni Karim Aïnouz, Gazer ni Ryan J. Sloan, Infinite Summer ni Miguel Llansó, A Samurai in Time ni Junichi Yasuda, at The Wailing ni Pedro Martin-Calderon.
Tampok naman sa Special Screenings section ang An Errand ni Dominic Baekart, If My Lover Were a Flower ni Kaung Zan, A Thousand Forests ni Hanz Florentino, at Lost Sabungeros ni Bryan Brazil.
Ang QCinema 12 na gaganapin mula Nobyembre 8 hanggang 17 ay mapapanood sa mga piling sinehan tulad ng Gateway Cineplex 18, Ayala Malls Cinema sa Trinoma, Red Carpet sa Shangri-la Plaza, at Powerplant Mall.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
DINGDONG, ARJO, ELIJAH, ALDEN, LOVI at CRISTINE, ilan lang sa pararangalan sa 5th ‘Film Ambassadors’ Night’ ng FDCP
IBINAHAGI ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang 60 na honorees at special awardees ng ika-limang Film Ambassadors’ Night (FAN) ngayong taon pati na rin ang performers para sa online event na isasagawa sa Pebrero 28. Ang FAN, na taunang kaganapang isinasagawa ng FDCP simula noong 2017, ay kumikilala sa Filipino […]
-
DTI pinayuhan ang mga mamimili na maging mautak sa pagbili ng mga Noche Buena
PINAYUHAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga mamamayan sa pagbili ng kanilang ihahandang Noche Buena. Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo na dapat mamili ang mga ito ng simple, mura at mabigat na ihahanda. Dagdag pa nito na may mga ibang food itmes na hindi tumutugma sa bigat […]
-
Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa, pumalo sa mahigit 2.93-M – PSA
NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa noong buwan ng Mayo ng taong kasalukuyan ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Sa ulat ni National Statistician and Civil Registrar General at PSA Undersecretary Dennis Mapa sa press conference kaugnay sa May 2022 Labor Force Survey (preliminary) results, pumalo pa sa […]