Hindi paplanuhin kung kakandidato: VICE GANDA, patuloy na nililigawan na pasukin ang pulitika
- Published on November 6, 2024
- by @peoplesbalita
ISA si Vice Ganda sa mga nililigawan ng mga political parties para tumakbo sa darating na mid term elections.
Pero wala ni isang pinagbigyan ang main host ng “It’s Showtime”. Sa isang interview kay Vice ay nabanggit ni Vice na kung kakandidato siya ay hindi niya ito paplanuhin.
“Parang hindi ko siya mapaghahandaan. Parang sabi nga nila, calling. Kapag naramdaman mo, naramdaman mo. Ni hindi ko nga siya paplanuhin.
“Kaya kapag may nagtatanong nga sa akin ‘di ba, niloloko ko. Sabi ko, ‘ayaw ko niyan ang baba (ng posisyon). Gusto ko presidente agad!’” patawang banggit ng premyadong TV host.
Dagdag pa ni Vice na oras na dumating na raw yung panahong kakandidato siya dapat daw ay hindi siya mangangampanya.
Hindi rin daw maglalabas ng kadatungan ang komedyante para lang mananalo na lalakaran ngayon ng mga pulitiko.
Dito nga sa Maynila ay limang libo ang pinamimigay ng isang pulitiko sa mga kinukuhang mga taga suporta ng kandidatura niya.
Kung anik-anik mga pangako pang binitawan ng mga ito.
Kasabay pa ng mga ginagawang paninira sa kalaban, huh!
Ang mga ganyang gawain ay hindi pagpalain ng ating Panginoon.
Back to Vice Ganda, never daw siyang gagastos just in case matutuloy na siya sa pagkakandidato.
Katwiran pa ni Vice na pinaghirapan daw kasi niya ang lahat ng kinita sa showbiz so bakit pa niya ipapamigay para lang mananalo.
“Hindi ako mangangampanya. Magpa-file ako ng candidacy tapos gagawa akong vlog. ‘Tatakbo po ako ito po ‘yung mga plataporma ko. Kung bet n’yo kong iboto, go. Kung hindi, okay lang din.’ Pero joke lang ‘yun,” napatawang banggit pa ni Vice Ganda.
Pero sa totoo lang daw, hindi pa niya talaga nai-imagine ang sarili na nasa politika pero ayaw din niyang magsalita nang tapos dahil baka kainin lang niya ang kanyang sinabi.
(JIMI C. ESCALA)
-
Ads January 31, 2023
-
DIETHER, naaksidente na nga pero nakuha pang laitin ng netizen
NAAKSIDENTE ang aktor na si Diether Ocampo. Seriously injured si Diet matapos bumangga ang kanyang SUV sa isang nakaparadang truck ng basura. Ang malungkot, naaksidente na nga ang aktor pero may mga tao na nag-comment pa ng hindi maganda sa Twitter. Post ng netizen sa kanyang twitter handle na […]
-
19 sasakyan natupok sa NAIA-3 parking area
NASA 19 sasakyan na nakahimpil sa parking lot extension ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang nasunog bunsod sa hinihinalang nagliyab na talahiban dahil sa tindi ng init ng panahon, Lunes ng hapon. Sa panayam kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Jose Ines, umabot sa 19 ang inisyal […]