• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SEA Shooting Championships kasado na

Pamumunuan nina trap shooters Hagen Topacio, Eric Ang at Olympian Jethro Dionisio ang kampanya ng bansa sa pagdaraos ng Philippine National Shoo¬ting Association (PNSA) Southeast Asian Shooting Association Championships sa Nobyembre 24 hanggang Disyembre 14.

 

Nakalatag sa 46th edition ng event ang practical shooting, sporting clays, bench rest at Olympic shotgun na kinabibilangan ng trap at skeet shooting.

 

“This will also gauge how we’re doing in Southeast Asia for the SEA Games next year,” ani PNSA secretary-general Irene Garcia kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kasama si bench rest shooter Richard Cases sa VIP Room ng Rizal Memorial Sports Complex.

 

Inaasahang lalahok sa three-week meet ang Thailand, Malaysia, Singapore at Indonesia.

 

“It’s almost like a fiesta. We’re pretty excited about it, although a bit tiring to prepare,” dagdag ni Garcia sa public sports program na inihandog ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Phi¬lippine Olympic Committee, MILO, Smart/PLDT at 24/7 sports app ArenaPlus.

 

Sasalang sa skeet event sina Enrique Leandro Enriquez at Olympian Bryan Rosario kasama sina Valerie Levanza, Abby Cuyong, Amparo Acuna, Franchette Quiroz at iba pa.
Idaraos ang mga events sa Lipa City, Batangas at Taguig City.

Other News
  • NAVOTAS PDLs NATURUKAN NA KONTRA COVID

    NASA 747 Persons deprived of liberty (PDLs) sa Navotas City Jail ang nakatanggap na ng kanilang unang dose ng Sputnik vaccine kontra COVID-19.     “PDLs are at high risk of contracting COVID-19 due to limited spaces in our city jail.  Through vaccination, we hope to ensure the health and wellness of our inmates and […]

  • Type din niya ang malaking biceps ng ka-loveteam: BARBIE, gustung-gusto ang pagiging maalaga ni DAVID

    TINANONG si Barbie Forteza kung ano ang mga qualities ni David Licauco ang gusto niya.       Lahad ng Kapuso actress, “Ang mga gusto kong qualities ni David, yung ahhh… pag-aalaga niya sa akin ‘pag kami lang dalawa.       “Yung kapagka kunyari, actually isa nga sa mga naalala kong memorable na eksena, […]

  • PBBM inaprubahan EO sa wage, benefits hike ng government

    APRUBADO na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang executive order na magbibigay ng umento sa sahod at dagdag sa mga benepisyo ng manggagawa sa gobyerno.     Ito ay matapos lagdaan kahapon ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Executive Order No. 64.     Nasa ilalim ng nilagdaang EO 64 ni Bersamin ang updated na […]