• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Brownlee laging maaasahan ng Kings

MALAKI ang naging papel ni import Justin Brownlee sa panalo ng Barangay Ginebra laban sa TNT Tropang Giga sa Game 4 ng PBA Governors’ Cup best-of-seven championship showdown.

 

 

Naitarak ng Gin Kings ang 106-94 panalo kontra sa Tropang Giga para maitabla ang serye sa 2-2.

 

 

Sa naturang panalo ay nagpasabog agad si Brownlee ng 15 points sa first quarter na siyang na­ging tungtungan ng Gin Kings para makuha ang momentum.

 

“Justin’s always usual­ly a very good starter, espe­cially in big games. He knows how important he is to set the tempo and give confidence for his teammates,” ani Ginebra coach Tim Cone.

 

 

Beterano na si Brownlee kaya’t alam nito ang kaniyang gagawin sa oras na kailanganin ito ng ka­nilang tropa.

 

 

“He knows when we get the lead, it gives them the confidence, and the last few games he hasn’t had a good start. I know it’s bothering him, but we ran some sets for him outside the triangle early to try to to get, him a little bit,” dagdag ni Cone.

 

 

Para kay Cone, mata­linong maglaro si Brownlee dahil gumagawa ito ng paraan kung paano makakatulong sa team sa iba’t ibang aspeto.

 

 

Nakalikom si Brownlee ng kabuuang 34 points, 6 rebounds at 4 assists.

Other News
  • Yulo humirit ng ginto sa World Cup

    NAGPARAMDAM ng kahandaan si world champion Carlos Yulo matapos sumungkit ng gintong medalya sa FIG Artistics Gymnastics World Cup sa Doha, Qatar.   Isang solidong performance ang inilatag ni Yulo para masiguro ang ginto sa men’s parallel bars.   Nakalikom si Yulo ng impresibong 15.200 puntos upang angkinin ang unang puwesto.’     Pinataob ni […]

  • Jake Paul pinatumba si Woodley sa 6th round

    Pinatumba ni YouTube star Jake Paul si dating UFC champion Tyron Woodley sa ikaanim na round ng kanilang boxing match na ginanap sa Amalie Arena sa Tampa, Florida.     Sa unang limang round ay hindi gaanong naging mainit ang laban kaya nagalit ang mga fans.     Pagpasok ng ikaanim na round ay doon […]

  • Deployment ng China Coast Guard sa WPS, overkill

    INILARAWAN ng Philippine Coast Guard (PCG) na “overkill” ang deployment ng China  ng ilang China Coast Guard (CCG) at Chinese maritime militia vessels sa Scarborough Shoal (panatag Shoal) sa panahon ng civilian mission na “Atin Ito”.     Nasa 10 CCG vessels, 10 Chinese maritime militia ships at isang people’s Liberation Army  (PLA) vessel ang […]