PBBM, tinintahan ang batas hinggil sa enterprise-based training
- Published on November 8, 2024
- by @peoplesbalita
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Enterprise-Based Education and Training (EBET) Framework, araw ng Huwebes, Nobyembre 7, sa Palasyo ng Malakanyang.
Itinuturing na isang pangunahing batas ng administrasyong Marcos, ang Republic Act No. 12063 ay alinsunod sa pagsisikap ng pamahalaan na palakasin, i-rationalize at pagsama-samahin ang iba’t ibang enterprise-based training modalities sa isang framework o balangkas.
Layon nito na tugunan ang job-skills mismatch, bigyang-diin ang pagtutulungan sa hanay ng mga stakeholders, at kilalanin ang ‘indispensable role’ o mahalagang papel ng pribadong sektor sa pagsusulong ng technical-vocational education at enterprise-based training programs o iyong mga ipinatupad sa pakikipagtuwang sa mga kumpanya. (Daris Jose)
-
PBBM, tinurn over ang Balanga housing units sa 216 relocated families
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-turn over ng housing units sa 216 informal settler families sa Balanga, Bataan na naapektuhan ng cleanup at relocation operations sa hazard-prone areas. Ang relocated settlers ay nakatira noon sa kahabaan ng Talisay River. Ang Balanga City Low-Rise Housing Project ng National Housing Authority (NHA), matatagpuan sa […]
-
DATING PULIS, INARESTO NG NBI
ISANG dating pulis ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y pangongolekta ng pera gamit ang pangalan ni retired PNP Chief General Camilo Cascolan. Nabatid na mismong si Cascolan ang naging tulay upang maaresto ang suspek sa pamanagitan ng entrapment operation. Matatandaan na nagbabala noon si Cascolan […]
-
Foreign trips ni PBBM nagbubunga ng 43% sa P175.7-B investments na inaprubahan ng PEZA
NAGBUBUNGA na ang mga nakuhang investments ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mula sa kaniyang mga biyahe sa abroad. Ayon kay Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Tereso “Theo” Panga ang investment na nakuha ng Pangulo mula sa mga foreign investors ay halos kalahati ng kabuuang pamumuhunan na inaprubahan ng PEZA na P75 […]