• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dating pangulong Duterte, pinaalalahan sa pangako nito na dadalo sa Quad Comm hearing pagkatapos ng Undas

NANANAWAGAN ang isang lider ng grupong “Young Guns” sa Kamara kay dating pangulong Rodrigo Duterte na tuparin ang naging commitment nito na dumalo sa gagawing pagdinig ng Quad Comm tulad nang inawa nitong pagharap sa Senate Blue Ribbon Committee.

 

 

“Elected leaders should have the courage to practice the virtue of having a word of honor. Filipinos know the former president as someone with palabra de honor. Throughout his political career, especially during his decades as mayor of Davao City, he built a reputation as a man of his word. This integrity is largely why people repeatedly placed their trust in him,” pahayag ni ” said House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur.

 

Iginiit ng mambabatas ang importansiya nang pagdalo ni Duterte sa pagdinig ngayong Huwebes (Oktubre 7) upang makapaglaan ng oportunidad sa mga lider at miyembro ng kamara na makakuha ng sagot sa mga tanong na tanging ang dating pangulo ang makapagbibigay.

 

“It would demonstrate that he’s not afraid of accountability, just as he showed in the Senate probe, where he took responsibility and advocated for the victims of extrajudicial killings during his administration, shielding his police officers from potential criminal or administrative charges,” paliwanag pa ni Adiong.

 

Una nito, siniguro naman ni Martin Delgra, abogado ni Duterte ang intensiyon ng dating pangulo na dumalo sa pagdinig ng Quad Comm.

 

Kinumpirma ni Delgra, na nagsilbing chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa panahon ni Duterte, ang pangakong pagdalo sa isang liham sa lead chairman ng komite na si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pagdalo ng dating presidente pagkatapos ng All Saints’ Day.

 

“Rest assured of my client’s willingness to appear before the House on some other available date, preferably after Nov. 1,” pahayag ng dating opisyal.

 

Ito ay kasunod na rin sa pagtanggi ni Duterte na dumalo noong October 22 hearing, dahil sa health issue at short notice.

 

“Considering his advanced age and the several engagements he had to attend, he is currently not feeling well and is in need of much rest. Hence, my client respectfully request to defer his appearance before the honorable committee,” pahayag pa ni Delgra sa dalawang pahinang liham. (Vina de Guzman)

Other News
  • Baka ‘di pumayag sa pagpapa-convert ng girlfriend: RURU, natakot noong magpaalam sila sa Lola VICKY ni BIANCA

    ALIW si Ruru Madrid, tila na miss nito ang girlfriend na si Bianca Umali na hindi na umabot sa presscon.     Kaya kahit standee man lang ng Kapuso actress, binitbit niya at itinabi sa kanya habang kumakanta silang lahat na Sparkle artists ambassadors ng Beautéderm kasama ang C.E.O. na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.   […]

  • ‘Jurassic World Dominion’ Unveils Epic Trailer

    CAN human beings remain as the apex predator in a world where dinosaurs roam the globe?     Experience the epic conclusion to the Jurassic era as two generations unite for the first time in Jurassic World Dominion when it opens in Philippine cinemas this June.     Chris Pratt and Bryce Dallas Howard are joined by […]

  • Muling naging aktibo sa social media account: KRIS, tuloy ang laban at ‘di susuko para kina JOSHUA at BIMBY

    NABUHUYAN ng pag-asa ang mga nagmamahal kay Kris Aquino dahil muling naging aktibo ang TV host/actress sa social media, partikular na sa kanyang Instagram account.     Alam naman ng publiko na kasalukuyang nasa Amerika si Kris at hinahanapan ng lunas ang kanyang karamdamang may kinalaman sa kanyang autoimmune condition.     September huling nag-post […]