Nag-agree si Sylvia at na-miss ang mga anak-anakan: ICE, masaya na muling nakita si JODI at nagyayang mag-reunion
- Published on November 8, 2024
- by @peoplesbalita
SOBRANG nakaka-good vibes ang Facebook post ni Ice Seguerra na kung saan muli niyang nakita at nakasama si Jodi Sta. Maria.
Caption ni Ice, “So happy to see you, Jodi!!!š.pngš.pngš.png
“Look nanay Jojo Campo Atayde!!!
“Reunion na, Ginny Monteagudo Ocampo!ā
Comment ng kanilang naging nanay sa āBe Careful with My Heartā na si Sylvia Sanchez na producer ng ājuan karlos LIVEā at ng hard action film ni Arjo Atayde na āTopakkā na entry sa 50th MMFF…
“Ay! Inggit ako. Miss u my Kute and my Maya!ā
Dagdag pa niya, “Tara! Reunion tayo this Christmas. Ćce DiƱo Seguerra Jodi Ellen Nicolas Criste Ginny Monteagudo Ocampoā
Na sinang-ayunan naman ni Ice ng, “lezzzzgo!!!ā
Say naman ni Mel Mendoza- del Rosario, “chubs sama ko.ā
Siguradong magiging masaya ang kanilang reunion pag matuloy ito next month.
Anyway, ngayong gabi na ang concert ni Ice sa Music Museum, ang “Videoke Hits OPM Edition Isa Pa”.
Ang third edition ng Videoke Hits concert series ay muling isi-celebrate ang mga iconic OPM (Original Pilipino Music) hits, na magbibigay sa concert goers ng interactive experience that combines the fun of karaoke with the excitement of a live concert.
Isa nga highlights ng concert ay ang ngalngal kabayong performance ni Ice sa medley ng viral hit song ng SB19 na āGentoā at ang much-talked-about dance performance niya sa āSalamin-Salaminā ng BINI.
Kaabang-abang din ang mga celebrities na makikipag-videoke sa naturang concert na produce ng Fire and Ice Entertainment.
***
UMABOT sa 23,399 ang mga materyal para sa telebisyon at pelikula ang narebyu at nabigyan ng angkop na klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa buwan ng October 2024.
Kinabibilangan ito ng mga TV programs (11,512), TV Plugs and Trailers (11,640), Films (Local and International) (66), Movie Trailers (54) at Movie Publicity Materials (127)
Ayon kay MTRCB Chairperson Lala Sotto-Antonio, ang malaking bilang ng narebyu ng Board ay isang magandang indikasyon ng pagyabong ng industriya ng paglikha.
āKami sa MTRCB ay lubos na natutuwa sa malaking bilang ng mga materyal na isinumite sa ating Ahensya para mabigyan ng tama at angkop na klasipikasyon ng ating tatlumpuāt isang Board Members,ā sabi ni Sotto-Antonio.
Ayon sa MTRCB Board, nagpapakita ito ng dedikasyon ng Ahensiya sa pagsuporta sa kalayaan sa pagpapahayag o freedom of expression at sa pagtitiyak na ligtas panoorin ang mga palabas bago ito mapanood ng publiko.
(ROHN ROMULO)
-
Efren āBataā Reyes, nais mapabilang ang Billiard bilang Olympic sports
UMAASA si Filipino sports legend Efren āBataā Reyes na mapapabilang ang billiard bilang Olympic sports. Sa panayam sa tinaguriang āThe Magicianā, sinabi niyang matagal na niyang pangarap na mapabilang ang naturang laro sa pinakamalaking sports competition sa buong mundo. Dati na rin aniyang nag-demonstrate ang mga billiards player noong dekada 90 […]
-
Special task group binuo sa kaso sa pamamaril sa mayor ng Infanta, Quezon
INATASAN ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos si Police Regional Office (PRO) Calabarzon regional director B/Gen. Antonio Yarra na bumuo ng Special Investigation Task Group upang tutukan ang kaso sa pamamaril kahapon sa alkalde ng Infanta, Quezon na si Mayor Filipina Grace America. Sinabi ni PNP Public Information Office chief B/Gen. Roderick Augustus […]
-
20 milyong doses ng AstraZeneca vaccine kasado na
Nakakuha na ang Pilipinas ng 20 milyong doses ng bakuna mula sa British drug group na AstraZeneca. Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ngayong arawĀ nakaĀtakdang lagdaan ang tripartite agreement para sa kukuning bakuna laban sa COVID-19. āBukas nga po ay aming pipirmahan, lalagdaan po namin ang tripartite agreement na more or less […]