PBBM, tinintahan ang CREATE MORE bill para makahikayat ng mas maraming investments
- Published on November 12, 2024
- by @peoplesbalita
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes, Nobyembre 11, ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE) Act para i-promote ang Pilipinas bilang pangunahing investment destination.
Ang CREATE MORE Act o Republic Act (RA) 12066, nilagdaan ni Pangulong Marcos sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang, itinayo para sa game-changing economic reforms na ipinakilala sa ilalim ng CREATE law upang gawing mas ‘globally competitive, investment-friendly, predictable at accountable’ ang tax incentives regime ng bansa.
Tinuran pa ni Pangulo Marcos na ang paglagda sa RA 12066 ay nagpapahiwatig ng ‘unwavering commitment’ ng kanyang administrasyon para bigyang kapangyarihan ang sektor ng negosyo na palakasin ang kanilang ‘growth prospects.’
“We cannot emphasize enough the important role of the business sector in shaping this law. Your feedback has been essential in our efforts to craft policies that make our country truly competitive on the global stage,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“As we open new doors of opportunity, we drive businesses to reinvest their capital, build upon the workforce, and initiate a ripple effect that will be felt across generations,” dagdag na wika nito.
Aniya pa, ang bagong batas ay “reflection of the government’s resolve to foster a climate where businesses will flourish and continue to meaningfully contribute to the Philippine economy.”
“By establishing clear timelines and deadlines and by limiting compliance requirements to those mandated by law, we are promoting transparency and predictability. And in so doing, we create a more reliable process that instills confidence in investors and in partners alike,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“To our investors and development partners, let this be our pledge: The Bagong Pilipinas (New Philippines) continues to foster an economy where businesses and investments remain at the heart of our progressive development.”dagdag na wika ng Chief Executive.
Sa ilalim ng CREATE MORE Act, ang maximum duration ng tax incentives availment ay extended ng 10 taon hanggang 27 taon mula 17 taon, para makahikayat ng ‘strategic at high-quality investments.
Ang Registered business enterprises (RBEs) sa ilalim ng pinahusay na deductions regime ay mapakikinabangan mula sa isang binawasan na corporate income tax rate na 20%.
Nagkaloob din ang bagong batas ng isang 100-% additional deduction sa power expenses para tapyasan ang halaga para sa manufacturing sector.
“It also further streamlines the value-added tax (VAT) refund process by limiting the documentary requirements and addressing the VAT concerns raised by export-oriented enterprises,” ayon sa naturang batas.
Sa kabilang dako, ipinakilala rin ng RA 12066 ang iba’t ibang reporma gaya ng ‘rationalization and streamlining of incentives-related processes to address investors’ pain points and cultivate an investment-friendly climate.”
Ginawa rin nitong simple ang local taxation sa pamamagitan ng pagpapataw ng local tax sa RBEs bilang kapalit ng lahat ng iba pang ‘local taxes, fees, at charges.’
Pinalakas din ng CREATE MORE law ang kaukulang mandato ng Fiscal Incentives Review Board (FIRB) at investment promotion agencies (IPAs).
“It institutionalizes the adoption of flexible work arrangements as a business model for RBEs operating inside economic zones and freeports, without disruption in the enjoyment of their tax incentives,” ayon sa ulat.
Samantala, sinabi naman ni Pangulong Marcos na makikinabang ang mga mamamayang filipino mula sa pagpapasa ng CREATE MORE Act sa pamamagitan ng ‘more and better economic opportunities’ na makapagpapa-angat ng kanilang buhay gaya ng high-quality jobs.
Ang paglagda sa CREATE MORE law ay consistent sa 8-point socioeconomic agenda ng administrasyong Marcos. (Daris Jose)
-
Kaya planong ligawan na ang singer-actress-vlogger… JM, inamin na may kakaiba nang nararamdaman kay DONNALYN
MAY plano na raw ligawan ni JM de Guzman si Donnalyn Bartolome. Inamin ng kontrobersyal na aktor may kakaiba raw siyang nararamdaman sa singer-actress-vlogger. “Isa niya po akong tagahanga. Mayroon akong ano sa kanya, may gusto ako sa kanya,” diretsang sinabi ni JM. Sa tanong kung nagsimula na siyang manligaw dito, sagot […]
-
‘Pagsalubong ng New Year sa mga residente ng Xi’an, China mas masahol pa sa simula ng COVID sa Wuhan’
Mas masahol pa umano ang taong 2022 para sa mga residente ng northwestern city ng Xi’an, ang pagsalubong ng bagong taon kumpara sa taong nagsimula ang COVID-19 sa kanilang bansa. Mula noong Disyembre, ang ancient city na kilala bilang tahanan ng Terracotta warriors ay nakikipaglaban na sa pinakamalaking community coronavirus outbreak sa China […]
-
Magkakaroon ng ’thanksgiving tour’ ngayong Sabado: Reunion movie nina JOSHUA at JULIA, higit P320 million na ang kinita
AS of August 28, 2024, Wednesday, umabot na sa PHP320M ang gross sales ng Un/Happy For You. Third week na sa mga sinehan ang reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto at tiyak na lalaki pa ang kinita nito dahil bukod sa domestic gross ay madagdag pa international screenings nito. […]