Ong, Sheila Guo dumalo sa preliminary investigation
- Published on November 12, 2024
- by @peoplesbalita
DUMALO sa preliminary investigastion o PI sa Department of Justice (DOJ) kahapon,Biyernes sina Cassandra Ong, Shiela Guo at iba mga Chinese na inireklamo.
Ayon sa DOJ, ang reklamong money laundering laban kina Ong,Guo at iba pa ay “submitted for resolution “na.
Ayon kay Senior Asst. State Prosecutor Charlie Guhit, naghain sila ng counter affifavit.
Ani Guhit, may mga respondent na bigong makapaghain ng kontra-salaysay.
Ang PI nitong Biyernes ayon kay Guhit ay ang huling PI na para sa reklamong money laundering laban sa mga respondent.
Ayon pa kay Guhit, reresolbahin ang reklamo batay sa mga testimonya at mga nakalap na ebidensya.
Matatandaan na sinampahan ng reklamong money laundering sina Alice Guo, Ong at iba pang respondents na sinasabing lumahok sa paglilipat ng pondo mula sa ilang fraudulent sources.
Sakop ng imbestigasyon ang bilyun-bilyong pisong halaga ng transaksyon sa bank accounts ni Guo at assets mula 2019 hanggang 2024.
Kasama rin ang bank accounts at ari-arian ng pamilya Guo, mga POGO at bank accounts ng mga ito, at shell companies na may kaugnayan sa kanila. GENE ADSUARA
-
Mga lumulundo na kawad at kable ng mga public utility companies dapat ayusin
DALA na rin sa panganib na maaaring idulot ng mga nakalundo o nakalawit na kawad at kable na kilala sa tawag na ‘spaghetti wires’ ng mga public utility sa publiko, dapat ayusin o alisin ang mga ito. Sa House Bill No. 10549 na inihain nina Manila Reps. Rolando Valeriano at Joel Chua, sinabi […]
-
Ads March 14, 2024
-
Badminton tournament sa Hong Kong muling kinansela sa ikatlong pagkakataon
KINANSELA ng Badminton World Federation (BWF) ang kanilang nalalapit na Hong Kong Open tournament dahil pa rin sa banta ng COVID-19. Ang nasabing torneo na gaganapin sa Nobyembre ay siyang pangatlong pagkakataon na ito ay ang kinansela. Ang Super 500 tournament ay gaganapin sa Kowloon mula Nobyembre 8-13. Ayon […]