• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Antibody testing sa NBA, ipatutupad

Upang masiguro na walang palpak sa ginagawang coronavirus testing, idinagdag ng National Basketball Association (NBA) sa kanilang mahigpit na health protocols ang antibody testing bago muling magsimula ang liga.

 

Ayon sa NBA, ang dead coronavirus cells ay made-detect din sa COVID-19 testing at maglalabas ito ng positive result dahilan para hindi paglaruin ang isang player at ilagay sa quarantine.

 

Kung magkakaroon muna ng test para sa antibody, matutulungan nitong malaman kung ang manlalaro ay asymptomatic o dati nang gumaling mula sa COVID virus disease.

 

Nag-aalala umano ang NBA sa mga false positive test  ng manlalaro, lalo na sa mga star player habang papalapit ang playoffs.

 

Bumuo ang liga ng 22 teams na maglalaro sa central Florida, sa muling pagbubukas ng liga sa July 30, na maglalaro ng tig-eight regular-season games, papuntang playoffs na bubuin ng 16 teams.

 

Unang sasabak sa laro sa ESPN Wide World of Sports Complex ang Utah Jazz kontra New Orleans Pelicans at susundan nang salpukan ng Los Angeles Lakers at Los Angeles Clippers.

 

Sa inilabas na memo may apat na steps na dapat kompletuhin bago payagang maglaro ang isang team.
Una, kailangan ng 14 days bago payagang muling maglaro ang nagpositibo sa virus. Pangalawa, kailangan ng manlalaro ang dalawang negative test sa loob ng 24-hour period. Pangatlo, kailangan dumaan sa antibody test ang manlalaro sa loob ng 30 days at ang pang-huli dapat magkaroon ng negative na coronavirus test bago makisalamuha at magkaroon ng physical contact sa iba.

 

Ayon sa ulat, ang lahat ng resulta ay nire-review ng infectious disease expert at epidemiologist  na nagtatrabaho sa NBA at sa players’ association ng liga

Other News
  • Tim Cone inaming nahihirapang makahanap ng final 12

    INAMIN ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone na mahihirapan itong pumili ng final 12 na sasabak para sa second window ng FIBA Asia Cup.Streaming service     Sinabi nito na sakaling magkakaroon ng problema dahil sa injury si Justin Brownlee ay ipapalit agad nila si Ange Kouame.     Ang 6-foot-11 kasi na dating Ateneo […]

  • Mungkahi ni Concepcion, i-require ang booster cards sa mga NCR establishments

    IMINUNGKAHI ni Presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na i-require sa mga customers ang pagpapakita ng COVID-19 booster vaccination cards sa pagpasok sa mga establisimyento sa Kalakhang Maynila.     Ang katwiran ni Concepcion, maaari na itong gawin sa National Capital Region lalo pa’y mayroon itong high vaccination rate.     Ginagawa na rin aniya […]

  • Odd-even scheme, bahagi ng opsyon para lutasin ang problema sa trapiko- MMDA

    IPINANUKALA ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang tatlong number coding schemes para malunasan ang matinding trapiko sa National Capital Region (NCR).     Sinabi ni MMDA general manager Romando Artes na ang paggamit ng odd-even scheme at modified number coding scheme, ay bukas sa kasalukuyang sistema na umiiral sa ngayon.     Sa ilalim […]