CHELSEA, patuloy na lumalakas ang laban at maiuwi ang korona
- Published on November 13, 2024
- by @peoplesbalita
MARAMI na ang na-LSS sa bago at masayang Christmas Station ID ng GMA Network na “Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat.”
Mula sa premiere nito last November 11, marami na ang tumangkilik at pinusuan ang kanta. Dumagsa na rin ang mga positibong reviews galing sa netizens.
Ilang oras lang nakalipas pagkatapos ito ma-post sa social media, umabot ng million views ang Christmas Station ID. Sa Facebook, mahigit umabot ito ng 2.1 million views at 24,000 reactions. Sa YouTube naman, pumatak ito ng 200,000 views at 4,000 likes.
Usap-usapan din ito sa X (dating Twitter) at nag-trending sa Pilipinas ang hashtag #GMAChristmasStationID2024.
Layunin ng “Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat” ang ipakita at ipaalala sa lahat na ang tunay na Paskong Pinoy ay puno ng pasasalamat, pagmamahal, at saya.
Ang masiglang Christmas Station ID ay inawit ng mga magagaling na Kapuso artists na sina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Rita Daniela, Jessica Villarubin, Hannah Precillas, Mariane Osabel, Garrett Bolden, Anthony Rosaldo, Thea Astley, John Rex, at Sparkle’s youngest P-pop group, Cloud 7.
Isinulat ito nina Christine Autor, Natasha L. Correos, Joe-Edrei Cruz, Ann Margaret Figueroa, Lorraine Intes, at Samantha Toloza. Binuo rin nito nina Natasha L. Correos, Joe-Edrei Cruz, at Ann Margaret Figueroa.
Present naman sa music video ng “Ganito ang Paskong Pinoy: Puno ng Pasasalamat” ang mga paborito at rising Kapuso stars. Kasama rin ang staff at executives ng GMA Network, katulad nina GMA Network Chairman Atty. Felipe L. Gozon at President and CEO Gilberto R. Duavit, Jr.
***
SUSTAINABILITY advocate and Jewelmer CEO, Jacques Christophe Branellec proudly shared sa Instagram ang first Filipino-made Miss Universe crown na ia-unveil very soon.
“From Palawan to the Universe! Off we go to Mexico City to launch the new crown of Ms Universe by Jewelmer! First time for the Universe to have a crown made in the Philippines adorned by our national gem, the golden south sea pearl! Para sa bayan!,” caption ni Branellec.
Maiuwi kaya ng pambato ng ‘Pinas na si Chelsea Manalo ang naturang Miss Universe crown?
Yan ang aabangan ng mga Pinoy, lalo pa nga’t patuloy na lumalakas ang laban ni Chelsea.
***
NAGING open ang star ng Dawson’s Creek na si James Van Der Beek na na-diagnose siya with colorectal cancer.
Ayon sa 47-year old ‘90s heartthrob: “I have colorectal cancer. I’ve been privately dealing with this diagnosis and have been taking steps to resolve it, with the support of my incredible family.
There’s reason for optimism, and I’m feeling good.”
Nagpapasalamat si James sa suporta ng kanyang wife na si Kimberly ay ng anim nilang mga anak. Kahit na may sakit siya, tuloy ang pagtrabaho niya.
Mapapanood si James, kasama ang iba pang actors, na mag-strip for charity sa ‘The Real Full Monty’ on December 9. Ang two-hour special ay magre-raise ng cash for prostate, testicular, and colorectal cancer testing and research.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Murder inihain vs 4 katao sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid
HAHARAP na sa reklamong murder si Joel Estorial at tatlo pang suspek para sa pagkamatay ng ng radio commentator na si Percy Lapid (Parcival Mabasa), ito matapos umamin sa krimen ang nauna. Martes nang iharap sa media ng pulisiya ang sumukong si Estorial habang itinuturo sina “Orly Orlando,” Edmon Adao Dimaculangan at Israel […]
-
Alam na mahuhusgahan sa ‘coming out’ ng anak… SHARON, suportado si MIEL at walang magiging pagbabago sa pagtrato nila
PASABOG at ito ang naging trending news simula nang mag-out ang bunsong anak na babae ni Megastar Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan na si Miel Pangilinan. Tila hindi nito gusto ang terminong lesbian at pinagdiinan na siya ay proud member ng LGBTQIA+ community at ngayong Pride Month ang unang taon na […]
-
30 kompanya, pasok sa loan program ng DTI para sa 13th month pay
Aabot na sa 30 ang naaprubahang application sa loan program ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa 13th month pay ng mga empleyado. Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nasa P500 million ang inilaan ng kanilang kagawaran para sa loan program na ito. Ang naturang halaga ay kayang makapagpautang […]