Lacuna nagpasalamat sa ayuda ni PBBM, DHSUD sa mga nasunugan
- Published on November 13, 2024
- by @peoplesbalita
NAGPASALAMAT si Manila Mayor Honey Lacuna kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at department of human settlements and urban development (DHSUD) head, Secretary Jerry Acuzar, sa pagkakaloob ng kanyang kahilingan na matulungan ang libu-libong pamilyang nawalan ng tirahan sa sunog sa Tondo.
Ani Lacuna sa mga pamilyang nasunugan, si Pang. Bongbong Marcos at Sec. Acuzar ang dapat nilang pasalamatan sa patuloy na pagsuporta sa pangangailangan ng Manilenyo na nagdaranas ng matinding pangangailangan dahil kapos sa pinansiyal ang Maynila bunsod ng binabayarang P17.8 bilyong utang sa mga bangko ng nakalipas na adminsitrasyon.
“Ako po ay hindi mahihiyang manghingi para sa inyo. Gagawin at gagawin natin ‘yan,” ani Lacuna sa pagkakaloob ng financial assistance mula sa DHSUD, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sa Manila city government.
Nagbigay ang DHSUD ng emergency shelter support sa 2,006 pamilya na nawalan ng tirahan na tig-P30,000, na ang 1,014 dito ay naitalang may totally-damaged houses sa Aroma, Tondo, sakop ng Barangay 106.
Nakatanggap din ang apektadong pamilya ng tig-P10,000 mula sa Manila city government bukod pa sa P10,000 mula sa DSWD, nang aprubahan ang request ni Lacuna.
Pinaalalahanan din ng alkalde ang mga recepients na kung magtatayo ng bahay nila ay tiyakin na walang maiiwang mga basura na nakakalat at hintayin ang pagdating ng garbage collector.
-
‘Instant classic’ naging banggaan ng Lakers at Warriors sa play-in
Ngayon pa lamang tinawag na ng ilang sports analyst na instant classic ang naging banggaan kanina ng Los Angeles Lakers at Golden State Warriors. Ang dalawang team ay dati na ring naging kampeon. Makapigil hininga pa ang matchup ng dalawang magkaribal na team na kabilang sa koponan ang mga best players […]
-
PAOLO, muling nagparamdam sa Instagram account after nang pananahimik; may nagyaya na mag-Baguio as a friend
POSIBLENG dahil malapit ng ipalabas ang GMA Afternoon Prime na I Left My Heart in Sorsogon kunsaan, pinagbibidahan ito nina Heart Evangelista, Richard Yap at Paolo Contis kaya ang huli ay biglang nagparamdam na sa kanyang Instagram account. Halos dalawang buwan din itong nanahimik. Ang pinost nga ni Paolo ay ang pag-ride na […]
-
SHARON, ipinagmamalaki na ilang araw na siyang ipinagluluto ni JUDY ANN; ramdam ang pag-aalaga at pagmamahal
IPINAGMAMALAKING ikinuwento ni Sharon Cuneta na ilang araw na raw siyang ipinagluluto ni Judy Ann Santos at super thankful nga siya kay Juday sa pag-aalaga sa kanya. May sakit si Megastar at sinabi nitong may pinagdadaanan siya these past few days, base na rin sa mga posts niya. Sabi nga niya, […]