Garma umeskapo sa Pinas, arestado sa US
- Published on November 14, 2024
- by @peoplesbalita
HINARANG ng mga awtoridad sa Amerika si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager at retired police Colonel Royina Garma.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na noong Nobyembre 10 sakay ng PR 104 flight patungo sa San Francisco sa Amerika si Garma.
Kasama niya ang anak na si Angelica Garma Vilela.
Paliwanag ni Remulla, walang hold departure order at walang kaso si Garma kaya maaring lumabas ng bansa ang dating opisyal.
Subalit dahil kinansela na ng Amerika ang visa ni Garma, hindi na ito pinapasok pagdating sa San Francisco.
Pinoproseso na ng pamahalaan ng Pilipinas ang pagpapauwi sa mag-inang Garma na inaasahang darating sa bansa ngayon, Nobyembre 13 at agad na idi-diretso sa Senado dahil isa siyang witness.
Hindi naman matukoy ni Remulla kung bakit kasamang kinansela ang visa ng anak ni Garma.
Si Garma ang nagsangkot kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa extra judicial killings.
Ito rin ang nagsiwalat sa Quad Committee ukol sa “cash for killings” ni Duterte na pinabulaanan naman ng dating pangulo.
Inilahad ni Garma sa House megal panel na nag-iimbestiga kay Duterte sa kanyang war on drugs na bumuo ito ng isang task force na kapareho ng “Davao Model” na nagbibigay ng financial rewards, pagpondo sa operations at reimbursement sa operational expenses. (Daris Jose)
-
Ads July 22, 2023
-
‘Bagong Pantasya ng Bayan’ na si AJ, mas daring sa erotic thriller na ‘Taya; sexy scenes nila ni SEAN, mapangahas
MULA sa dalawang VIVAMAX hit movies na Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar at Death of a Girlfriend, isang daring na role na naman ang gagampanan ng Bagong Pantasya ng Bayan na si AJ Raval sa pinakabagong psychedelic erotic thriller Vivamax Original ang TAYA. At mula naman sa Anak ng Macho Dancer, […]
-
Pinas, makawawala sa ₱13T nat’l debt sa pamamagitan ng eco growth
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang “guiding principle” para sa plano ng kanyang administrasyon para makawala mula sa ₱13-trillion national debt ay ang economic growth. “We will pull ourselves out of debt via growth. That really is the guiding principle to the economic plan,” ayon sa Pangulo nang tanungin ukol sa kanyang plano […]