AKAP Mall Tour, namahagi ng P268 milyon sa 53K benepisyaryo
- Published on November 14, 2024
- by @peoplesbalita
PORMAL na inilunsad ng House of Representatives, sa pamumuno ni Speaker Martin G. Romualdez, ang Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) mall tour kung saan umabot sa kabuuang P268.5 milyon ang naipamahaging ayuda sa 53,000 kwalipikadong empleyado ng mall at empleyado ng mga tenant sa apat na malalaking SM Supermalls sa Metro Manila na nakatanggap ng P5,000 bawat isa.
Ayon kay Speaker Romualdez, ang AKAP Mall Tour ay pagtugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos para sa isang sama-samang pagkilos ng pamahalaan upang harapin ang epekto ng inflation at pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan, at upang matulungan ang mga minimum wage earners, low income worker, at mga higit na nangangailangan. Ayon kay Deputy Secretary General Sofonias Gabonada, ang aktibidad na ito ay hindi lamang nagkakaloob ng pinansyal na ginhawa sa mga benepisyaryo kundi tumutulong din sa pagpapasigla ng ekonomiya sa mga mall at lokal na negosyo, upang matiyak na ang tulong ay naipapaabot sa mga Pilipinong higit na nangangailangan.
Sinabi ni Gabonada na simple lamang ang proseso ng pagpaparehistro para sa mga benepisyaryo ng AKAP: ang mga kwalipikadong manggagawa ay kailangang magparehistro online sa Bagong Pilipinas platform at ipakita ang kanilang Bagong Pilipinas ID.
Idinagdag niya na may mga scanner na nakalagay sa mga entrance ng mall para tiyakin ang pagiging kwalipikado ng mga empleyado. Pagkatapos ng validation, makakatanggap sila ng notification na magbibigay ng iskedyul ng kanilang payout at iba pang mga kinakailangang dokumento. (Vina de Guzman)
-
Sandro, iba pang Marcoses sa Ilocos Norte, pinroklamang panalo sa local polls
LAOAG CITY, Ilocos Norte- PINROKLAMA ng Commission on Elections (Comelec) ang political neophyte na si Sandro Marcos bilang panalo sa first district congressional race sa Ilocos Norte, araw ng Martes. “Maraming salamat sa tiwala at suporta ng aking mga kakailian. Napakalaking bagay po nito para sa akin dahil ito po ang unang beses […]
-
PBBM: Bantag, nagtayo ng sariling ‘kaharian’ sa Bilibid
NAGTATAG ng kanyang sariling ‘kaharian’ o teritoryo ang suspendidong hepe ng Bureau of Corrections na si Gerald Bantag sa loob ng New Bilibid Prison (NBP), ayon kay Pangulong Marcos ilang araw matapos ang pagsasampa ng mga kasong murder laban sa una at sa iba pang mga indibidwal dahil sa pagpatay sa broadcaster na si Percy […]
-
’Di lalahok sa debate may parusa – Comelec
NAGBABALA ang Commission on Elections (Comelec) na papatawan ng parusa o sanction ang mga kandidato na hindi lalahok sa paparating na presidential at vice presidential debates na inorganisa ng poll body. Sa isang pulong-balitaan, sinabi ni Comelec acting chairperson Socorro Inting na ang debate skippers ay hindi na makagagamit ng opisyal na e-rally […]