Housing loan ng PAG-IBIG tumaas matapos ang pagbawal sa POGO
- Published on November 14, 2024
- by @peoplesbalita
NAKIKITA na ngayon ng PAG-IBIG funds ang pagtaas ng kumukuha ng housing loans mula ng simulan ng gobyerno ang pagbabawal ng Philippine offshore gaming Operators o (POGO).
Ayon sa PAG-IBIG na maraming mga condominium units ngayon ang nabakante mula ng palayasin ang mga naninirahang POGO operators.
Dagdag naman ni Pag-IBIG Acting Vice President Domingo Jacinto Jr na kanilang tinitignan ngayon ang mga inventories nila na ilalaan sa mga miyembro at sellers na magbebenta ng kanilang mga lupain.
Una rito ay nagbigay sila ng isang buwang moratorium sa mga miyembro nila na may housing loans lalo na sa mga lugar na sinalanta ng mga bagyo. (Daris Jose)
-
Men’s football team ng bansa humingi ng suporta sa laban nila kontra Vietnam
HUMIHINGI ngayon ng suporta ang Philippine Men’s Football Team sa mga Filipino fans na panoorin ang kanilang pagsabak laban sa Vietnam para sa Mitsubishi Electric Cup 2024. Gaganapin ito mamayang alas-9 ng gabi sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila. Ayon sa Philippine Football Federation na para mas dumami ang manonood ng […]
-
Malakanyang, umapela sa mga jeepney drivers, operators na huwag suspendihin ang operations ngayong linggo
SA gitna ng nagpapatuloy na pagsirit ng presyo ng langis, umapela ang Malakanyang sa public utility jeepney (PUJ) drivers at operators na huwag nang ituloy ang kanilang plano na tigil-pasada o isuspinde ang nationwide jeepney operations ngayong linggo. “Nanawagan kami sa mga tsuper at mga operator ng mga jeep na huwag ituloy ang […]
-
Tatay na pumatay sa anak sa Navotas, himas-rehas
HIMAS-REHAS ngayon ang 61-anyos na lalaki matapos mapatay sa saksak ang kanyang sariling anak sa Navotas City. Sa ulat ni P/MSg. Allan Bangayan kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, alas-3:45 ng Linggo ng hapon nang magkaroon ng pagtatalo ang kinakasama ng biktimang si alyas “Ryan”, 35 at anak na babae ng suspek na si […]