2 lalaki na wanted sa rape sa Caloocan at Malabon, timbog
- Published on November 15, 2024
- by @peoplesbalita
HIMAS-REHAS ang dalawang manyakis lalaki na kapwa wanted sa kaso ng statutory rape matapos madakip ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation sa Caloocan at Malabon Cities.
Ayon kay Caloocan polic chief P/Col. Paul Jady Doles, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) hinggil sa kinaroroonan ni alyas “Ronald”, 43, ng lungsod na akusado sa panghahalay sa isang menor-de-edad na babae.
Kasama ang mga tauhan ng Police Sub-Station (SS10), agad nagsagawa ng joint manhunt operation ang WSS na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-12:30 ng hating gabi sa Villa Imelda, Camarin, Brgy., 178.
Ang akusado ay binitbit ng mga tauhan ni Col. Doles sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Raymundo G. Vallega ng Regional Trial Court (RTC) Branch 130, Caloocan City noong May 11, 2023, para sa kasong Statutory Rape.
Sa Malabon, nasakote naman ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan at mga tauhan ng NPD-DSOU sa joint manhunt operation sa Gov. Pascual Ave., Brgy. Niugan ang 32-anyos anyos na lalaki na residente ng Marilao, Bulacan at akusado din sa panggagahasa sa isang menor-de-edad na babae alas-3:20 ng hapon.
Ang akusado na nakatala bilang Top 6 Most Wanted Person sa lungsod ay pinosasan ng mga tauhan ng Malabon Police WSS sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Catherine Therese M. Tagle-Salvador ng RTC Branch 73, Malabon City, noong October 22, 2024, para sa kasong Statutory Rape.
Pinapurihan naman ni NPD OIC Director P/Col. Josefino Ligan ang Caloocan at Malabon police sa kanilang pinaigtig sa pagtugis sa mga wanted person na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga akusado. (Richard Mesa)
-
PBBM nagdagdag ng special nonworking day, 2 holidays sa taong 2023 para sa ‘holiday economics’
NAG-ISYU ang Malacanang ng proklamasyon na nag-aamyenda sa unang proclamation number 42 na nagdideklara para sa regular holidays at special non working days para sa susunod na taon. Sa ilalim ng Proclamation Number 90 na pirmado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa petsang November 11, 2022, binigyang diin na may pangangailangang mag-adjust ang […]
-
Vice President Sara, sumagot sa ‘Resign Marcos’ ni Baste
NAGLABAS na kahapon si Vice President Sara Duterte ng reaksiyon hinggil sa panawagan ng kanyang kapatid na si Davao City Mayor Sebastian Duterte, sa kanyang kaalyadong si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na magbitiw na sa tungkulin kung wala naman aniya itong pagmamahal sa bansa. Ayon kay VP Sara, na siya ring kalihim ng […]
-
MMDA, walang patid ang declogging operations sa mga kanal at estero
WALANG patid ang declogging operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kanal at estero bilang paghahanda ngayong tag-ulan. Bukod dito, nakatutok din ang MMDA sa 64 pumping stations na pawang gumagana naman lahat. tatlo nag bago rito. At para sigurado na walang mga damage ang mga pumping stations ay naglagay ang […]