• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga permanente, disaster-ready evacuation centers para sa mga pamilya na nasa high-risk areas, kailangan

SA PAGTINDI ng mga bagyong tumatama sa bansa, kailangan ng mga permanente, disaster-ready evacuation centers para sa mga pamilya na nasa high-risk areas.
Dala na rin sa pagdating ng mga matitinding bagyo sa bansa, naniniwala si Camsur Rep. LRay Villafuerte na panahon na upang maglagay o magtayo ang gobyerno ng mga mega evacuation centers (ECs) lalo na sa mga tinuturing na high risk areas na gagamiting pansamantalang tuluyan ng mga apektadong pamilya.
“It’s time for the national government to work with LGUs (local government units) in putting up permanent climate-proof and fully-equipped mega ECs in elevated places  to ensure that evacuees have safe and fully-equipped temporary shelters to go to whenever typhoons and other natural calamities strike especially our high-risk communities with ever increasing ferocity and frequency as a result of planet heating,” ani Villafuerte.
Ayon sa mambabatas, malapit na itong maipatupad kasabay na rin sa tinatapos ng dalawang kapulungan ng kongreso ang panukalang “Ligtas Pinoy Centers Act” na isusumite kay Pangulong Marcos.
Sa panukala na inihain ni Speaker Martin Romualdez at co-authored ni Villafuerte sa kamara, inaatasan nito ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na makipagtulungan sa LGUs sa pagtukoy sa mga flood-prone cities o municipalities na dapat bigyang prayoridad sa pagpapatayo ng permanenteng ECs o paggamit at pag-upgrade ng pasilidad na gagamiting evacuation shelters para sa mga evacuees kapag panahon ng kalamidad. (Vina de Guzman)
Other News
  • P100 taas-sahod, hirit ng grupo ng mga manggagawa sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin sa PH

    HIRIT ngayon ng grupo ng mga manggagawa ang P100 taas sa sahod sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin sa bansa.     Hinikayat ng Partido Manggagawa (PM) ang kongreso na bumalangkas ng special legislation na maggagarantiya sa pantay na taas na sahod para sa lahat ng mga rehiyon sa bansa.     […]

  • P31-B loan para sa mga apektadong kooperatiba at negosyo dahil sa pandemya, inaprubahan na ng LandBank

    INAPRUBAHAN ng state-owned lender na Land Bank of the Philippines ang nasa P30.96 billion loan para matulungan ang mga kooperatiba at lokal na negosyo na makarekober mula sa impact ng pandemya.     Ilalabas ang naturang halaga sa ilalim ng I-RESCUE program ng LandBank o ang Interim Rehabilitation Support to Cushion Unfavorably affected Enterprises.   […]

  • ‘Bayanihan, Bakunahan 4’ target na mabakunahan ang mas marami pang seniors

    NAKATAKDANG magdaos ang Pilipinas ng pang-apat na “Bayanihan, Bakunahan” sa Marso 7, target na mabakunahan nito ang mas marami pang senior citizens.     “Nag-announce na si (National Task Force Against Covid-19 Deputy Chief Implementer and testing czar) Secretary (Vince) Dizon, about the week of March 7 ang ating NVD (National Vaccination Days) 4, we […]