• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 crew members nasagip ng PCG

TATLONG crew members ng isang nasiraang yate ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) sa koordinasyon ng mga lokal na otoridad malapit sa karagatan sakop ng Barangay Binalas, Lubang, Occidental Mindoro.
Sa ulat ng PCG, nakatanggap ng impormasyon ang PCG Sub-Station (CGSS) Lubang tungkol sa yate na ‘Annie Kim’ na nagkaaberya noong Nov.11.
Nakipag-ugnayan naman ang CGSS Lubang sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng Lubang at agad na naglunsad ng search and rescue (SAR) operation.
Bahagya namang lumubog ang yate dahil sa masamang panahon.
Kabilang sa crew members, ang dalawang Filipino at isang Korean na nasagip at isinakay sa inarkilanh motorized banca at ligtas na nailipat sa sea ambulance.
Umalis ang yate sa Puerto Princesa ,Palawan patungong Subic,Zambales ng masalubong ang masamang panahon kasama ang malakas na hangin at malalaking alon na dahilan ng aberya.
Matagumpay namang nahatak ang yate sa  Sitio Tumibo, Barangay Tangal, Lubang, Occidental Mindoro, noong November 13, 2024 gamit ang drum na basyo na ibinigay ng  the MDRRMO. GENE ADSUARA
Other News
  • HEART, pinatulan ang basher na nagsabing ‘scripted’ ang photos na kanyang pino-post at tatakbo raw na nakahubad

    PINUSUAN ng followers at netizens ang pampa-good vibes na IG post ni Heart Evangelista na kung saan ibinahagi niya ang isang ng photo collage nila ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero, na kuha habang nagbabakasyon sa Los Angeles, California.     Nilagyan ito caption ng Kapuso actress ng, “Live, laugh, love.” at naka-tag ang IG account […]

  • 9.6 milyong kabataan target mabakunahan

    Inaasinta ng Department of Health (DOH) na mabakunahan kontra COVID-19 ang nasa 9.6 milyong kabataan na kabilang sa 12-17 age group bago matapos ang taon.     Kaugnay ito ng anunsyo ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na mag-uumpisa na ang vaccination sa naturang age group kahit walang comorbidities sa Metro Manila sa Nobyembre 3 at […]

  • Mahigit 84% ng coastline na apektado ng oil spill sa Mindanao, nalinis na ng gobyerno

    UMABOT  na sa mahigit 84% ng coastline na apektado ng oil spill sa Mindoro ang nalinis ng gobyerno.     Iniulat ni Defense Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Biyernes na   sa 74.71 kilometro ng apektadong coastline, 62.95 kilometro o  84.26% ang nalinis na “as of May 10, 2023.” […]